Yap planong maging city ang 1st class municipality ng Itogon
Poblacion, Itogon, Benguet – (August 11, 2022) Ang munisipyo ng Itogon ay 1st class municipality sa probinsiya ng Benguet na may populasyon na 61,498 na tao ayon sa 2020 census. Ito ay may kabuuang sukat ng lupain na 1,803.60 ektarya na 3.60% ng kabuuang sukat ng lupain ng munisipyo naitala noong September 21, 1974.
Ito rin ang pinakamalaking munisipalidad sa Benguet ayon sa kalupaan, ang Itogon ay isang bayan ng pagmimina, na ang lugar ng unang malakihang operasyon ng pagmimina sa bansa at ito ay mas kilala bilang “gold haven” sa Rehiyon.
Ang Itogon ay lugar din ng Binga Dam na pinamamahalaan at pinaaandar ng SN Aboitiz Power – Benguet, Inc.
At dahil sa nakita ni Benguet Congressman Eric Yap ang masaganang lupain sa Itogon ay plano nito na gawin city ang Itogon.
Sinabi ni Yap sa isang panayam, “Nais kong mag file ng bill na maging city ang Itogon, unang-una wala tayo problema sa land area, pagdating naman sa income ay kaya naman natin gawan ng paraan at sa population naman sa tingin ko achieveable yan, ang naging problema ko lang sa La Trinidad nung nag file ako sa 18th Congress, ay okay naman tayo sa income ng munisipyo, okay rin sa population pero may problema lang sa lupa, dahil pagdating sa lupa mahirapan tayo makapagpundar unless na may magbigay ng katabi ng munisipyo pero siguro habang inaantay natin kung may magbibigay o anumang ibang solusyon, mas maganda rin siguro na i-file rin natin itong Itogon maging city itong 19th Congress at ng sa ganun meron naman tayo ng pagkakataon na magkaroon ng city dito sa probinsiya ng Benguet,” ani Yap. # Mario Oclaman //FNS