YAP, panauhing pandangal sa ginanap na turnover ceremony ng 36 bagong Police Mobile Patrol sa PROCOR

YAP, panauhing pandangal sa ginanap na turnover ceremony ng 36 bagong Police Mobile Patrol sa PROCOR

La Trinidad, Benguet – Matatandaan noong buwan ng Mayo 2021 ay naipangako ni Benguet Caretaker Congressman Eric Yap na mabigyan ng 15 units na Toyota Hilux Patrol vehicles para sa 13 Municipalities Police Stations at 2 para sa Provincial Mobile Force Company ng Benguet at ito ay nabigyan ng katuparan.

Ngayon sa ginanap na turn-over at blessing ceremony ng 36 Brand new Police Mobile vehicles sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad ay naging panauhing pandangal sina Benguet Congressman Eric Yap at Benguet Governor Melchor Diclas noong November 18, 2021.

Sinabi ni Yap, β€œMalaki ang pasasalamat nito sa administrasyon ng gobyerno dahil nabibigyan ng pansin ang mga kahilingan natin dito sa Benguet na alam natin na tunay na magagamit ito at makakatulong sa mabilisang pagresponde ng mga kapulisan at mabawasan ang mga krimen dito sa buong Cordillera, marami pa tayo pwedeng gawin mga programa at proyekto, Peace and Order at proteksyon ng bawat isa sa atin ay higit natin kailangan kaya magtiwala tayo sa mga kapulisan ng PROCOR na patuloy nila magampanan ang kanilang tungkulin para sa proteksiyon natin lahat sa Cordillera,”

Ito ay alinsunod sa Capability Enhancement Program (CEP) 2021 ng PNP na ang kabuuang 36 na bagong police mobile mula sa PNP National Headquarters ay opisyal na natanggap ng Police Regional Office Cordillera.

Sina PMGEN Rodolfo Azurin Jr., Director of Comptrollership, at PBGEN Mario reyes, Director of Logistics Support Service, ang nagpasimuno sa seremonya at pinangunahan ang opisyal na turn-over ng mga sasakyan sa PROCOR sa pamumuno ni PBGEN Ronald Oliver Lee, Regional Director.

Ang 36 na sasakyan mula sa PNP National Headquarters ay binubuo ng 30 Patrol Jeep Single Cab 4×2 (Toyota Hi-lux) at anim (6) Personnel Carrier (Toyota Hi-lux 4×4).

Sa 30 Patrol Jeep Single Cab 4×2, 13 ang ipapamahagi sa bawat Municipal Police Stations sa Benguet habang ang iba ay ipapamahagi sa iba pang Police Provincial Offices (PPO) sa rehiyon ng Cordillera.

Dagdag pa, ang anim (6) na Personnel Carrier (Toyota Hi-lux 4×4) ay ibibigay sa Abra PPO, Baguio CPO, Benguet PPO, Kalinga PPO, Ifugao PPO, at Mountain Province PPO.

Sinabi ni PBGEN Lee, “Ang mga bagong mobile patrol cars ay magpapalakas sa mobile patrol operations ng PROCOR bilang bahagi ng pinaigting na security drive sa mga komunidad sa panahon ng krisis at emerhensiya. Gayundin, makakatulong ito na bawasan ang oras ng pagtugon sa lahat mga insidente na iniulat sa PNP at iba pang paggamit na makikinabang sa komunidad sa loob ng rehiyon ng Cordillera,”  Mario Oclaman /FNS

Mario Oclaman