YAP hangad na ipagpaliban muna ang adoption, layunin na magkaisa ang tribu sa Benguet
In Photo: Benguet Representative Eric Go Yap Photo by: Mario Oclaman //FNS
Magalang na sinagot ni Benguet Congressman Eric G. Yap ang katanungan kaugnay sa isyu na matapos ang naunang anunsyo na nai-post sa social media, na ang ibang mga Ibaloy ay nagpalabas ng kanilang mga damdamin habang pinalabas nila ang plano ng “adoption” ng grupo.
Marami sa kanila ang bumatikos sa “Onjon” dahil hindi nila kinakatawan ang lahat ng Ibaloy ng Baguio at Benguet at walang ginawang konsultasyon bago isaalang-alang ang pag-ampon kay Yap.
Binigyang-diin ng “Onjon ni Ivadoy” (pagkakaisa ng mga Ibaloy), sa pahayag nito, na hindi na aampon ng mga miyembro at opisyal nito si Yap para maiwasan ang anumang isyu sa pulitika.
Ang grupo sa naunang anunsyo na gagawin nilang “anak ng Ibaloy tribe” si Yap sa isang programa sa pagdiriwang ng International Indigenous Peoples Day sa kanilang sa Ibaloy Heritage, Park, Baguio City.
Sinabi ni Yap, “Hiniling ko na I-postpone muna ang adoption kasi and purpose ko dito ay unity at kung magiging devisive man lang siguro baka pwede I-move na lang after election, ayaw kong madamay ang mga tribes natin sa pulitika, they don’t deserve na madamay sila sa pulitika, ang mga tribes natin sa “kankanaey, kalanguya they deserve na galing sa amin not for them to fight for us, I am very honored na kinonsider tayo na i-adopt ng Ibaloy Onjon tatanawin ko na malaking utang na loob ito, para sa akin lang na kung pwede ipagpaliban na tapusin ang eleksyon kung open pa rin sa kanila na I honored ako mai adopt after election, pero kung ngayon magsismula na may mga fiction huwag naman dahil ayaw kong maghiwa-hiwalay, kailangan magpakalat tayo ng pagmamahal at pagkakaisa,”
Si Yap ay naging panauhing pandangal sa ginanap na International Indigenous Peoples Day ngayong araw ng Biyernes (August 9, 2024) sa Ibaloy Heritage Park na dinaluhan ng ibat’-ibang tribu ng Benguet. # Mario Oclaman // FNS