VP Leni Robredo celebrates birthday with 412,000 people in biggest rally yet.
Subhead: She calls on a mammoth crowd to knock on people’s doors, speak to them “tao-sa-tao, puso-sa-puso”
MANILA, (April 24, 2022) – Over 412,000 friends and supporters celebrated Vice President Leni Robredo’s 57th birthday on Saturday, April 23, packing the two-kilometer stretch of Macapagal Avenue from Gil Puyat Avenue to EDSA in Pasay City.
It was the presidential aspirant’s largest rally yet this campaign period, and she thanked everyone in attendance, many who had waited since the morning to greet her.
“Maraming salamat dahil marami po sa inyo nag-martsa papunta dito. Nag-bisikleta at nag-motor papunta dito. Nag-organisa ng mga watch parties, mga kaninang kanina pa nakatayo, mga wala pang hapunan. Kahit napaka-init, nandito pa din kayo,” Robredo said. “Hello po doon sa mga nasa may Seaside Boulevard, maraming salamat sa inyo, napaka layo na nila. Hello din doon sa mga nasa malapit na sa EDSA, maraming maraming salamat po sa pagta-tiyaga.”
The usual pink flags on the campaign trail were replaced by huge Philippine flags the audience proudly waved in the wind, and many of the performers onstage wore red, white, blue, and green, in addition to the campaign’s trademark pink. Robredo, clad in a light silver top accented with a pink rose, had invited people of all political persuasions to join the celebration, as she said if she is elected president, she will be there for the whole country.
“’Di ba ngayong gabi ang sabi po natin, hindi lang ito pagtitipon ng mga naka-pink, ang sabi po natin, pumunta dito kahit iba’t ibang kulay ‘yung suot, pumunta dito kahit hindi pa nakakapag-desisyon na sumama sa atin, pumunta dito kahit ayaw sa atin,” she said. “Ang hinihiling ko po sa inyong lahat, buksan ang ating mga puso, habaan ang ating pasensya dahil ang eleksyon pong ito, hindi lang po ito simple na away naming mga kandidato. Ang eleksyon pong ito mas malaki pa kaysa sa aming lahat. Dahil ang eleksyon pong ito, pagdedesisyonan natin kung ano ‘yung magiging kinabukasan nating lahat, at ano ang mangyayari sa bansa natin.”
With 15 days left in the campaign period, Robredo called on her supporters to go house to house to combat lies and fake news.
“Pag ito pong eleksyon na ito ang magpapanalo sa mga kandidato kasinungalingan, kawawa ‘yung bayan natin. Kaya po ‘yung hinihiling ko sa inyo, sabay-sabay po tayo sa laban na ito. Sa pag bukas po natin ng ating mga puso, sa pagpahaba natin ng ating mga pasensya, siguraduhin din nating pinapalitan natin ang mga kasinungalingan ng katotohanan,” she said.
“Bakit ba natin hinihikayat kayo mag-house to house? Dahil tingin po natin ito ‘yung pinakaepektibo na babasag sa mga kasinungalingan dahil tao sa tao, puso sa puso, ang pag-uusap.”
Referring to the many artists present—including Vice Ganda, Gary Valenciano, Maricel Soriano, and the APO Hiking Society, all first-time attendees this campaign period—Robredo said:
“Nakita natin kung sino ‘yung mga artista, mga napakasisikat na mga singers, mga actors and actresses, mga entertainers, mga social media influencers, kahit po hindi tayo nangunguna sa survey, tumataya sa atin. Bakit kaya? Dahil malaki ang pagmamahal nila sa ating bayan. Dahil naniniwala sila, nasa kamay nating lahat ang kapangyarihan.”
“Ang kapangyarihan pong tunay, wala sa kamay naming mga politiko pero nasa kamay ng ordinaryong mamamayang Pilipino,” she said.
“Kaya ang tanong ko po sa inyo, kaya ba natin ang ganitong klaseng laban? Na bubuksan natin ang mga puso natin sa mga kababayan natin kahit iba ang kanilang mga paniniwala? Kaya ba nating ipaglaban ang pagnanais natin ng pagbabago sa ating pamahalaan? Kaya ba nating sugpuin, kaya ba nating wasakin ‘yung luma at bulok na klase ng politika na patuloy na nagdudulot ng pagkahirap ng buhay sa bawat isa sa atin?” Robredo asked.
“Dahil kung kaya po natin ito lahat, nasa kapangyarihan po natin ang pagdala sa buong bayan natin sa liwanag na inaasam natin.” [END]