UNITED BENGUET PARTY CAMPAIGN RALLY
Wangal, La Trinidad, Benguet – Halos mapuno ng mga taga-suporta at mga kandidato ng United Benguet Party ang Benguet Sports Complex noong Sabado, March 26, 2022.
Nagpakilala at nagpahayag ng mga plataporma ang mga kandidato sa pagka mayor na mula sa 13 Municipality ng Benguet.
Nauna rito si Raymundo Sarac ng Atok, Bill Raymundo ng Bakun, Thomas Wales Jr. ng Bokod, Ruben Tinda-an ng Buguias, Adriano Carantes Jr. ng Itogon, Basilio Louie Daoal Jr. ng Kabayan, Manny Fermin ng Kapangan, Cesar Molitas ng Kibungan, Romeo Salda ng La Trinidad, Frenzel Ayong ng Mankayan, Manuel Munar Jr. ng Sablan at Armando Lauro ng Tublay. Kasama rin nila ang kanilang mga kandidato para sa konseho.
Sumunod na ipinakilala ay ang mga kandidato para Board Member ng District 1 na sina Johannes Amuasen, Florencio Bentrez, Alexander Fianza at Leonardo Lawana para sa District 2 naman ay sina Susan Atayoc, Fernando Balaodan Sr.Neptali Camsol, Roberto Canuto, Nardo Cayat at Marie Rose Fongwan – Kepes.
Buong sigla pa rin na nagkakaisa ang tatlong magigiting na kandidato na sina Eric G. Yap para Congressman, Dr. Melchor D. Diclas para Governor at Atty. Johhny D. Waguis para Vice-Governor na nais magpatuloy sa kanilang mga tungkulin para mas lalong makamit ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng Benguet. Inamin ni Yap na marami pang mga programa at mga proyekto ang mga nakapila sa kanilang mga plano, ang labing-tatlong munisipyo ng Benguet ang prayodidad na makikinabang kung kaya pulido ang pagkakapili ng mga kandidato na mamumuno sa bawat munisipyo dahil may pagkakaisa at respeto ng bawat isa.
At upang ganap na matupad ang lahat na ito ay kailangan may pagkakaisa rin na bitbitin natin sa pagka-pangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa pagka Bise-Presidente naman ay si Sara Duterte, ipakita natin na tayo ay nagkakaisa at naniniwala sa kanilang mga kakayahan na mamuno sa ating bansang Pilipinas.
Magiging katuwang rin natin sa senado si Raffy Tulfo na alam natin malaki ang maitutulong ni Idol Raffy Tulfo kapag pinaupo natin siya sa senado, nakita natin kung paano magtrabaho si Raffy na tagapagtanggol at kakampi ng mga inaapi.
Muli rin natin ibalik ang mapagkakatiwaalang partylist na ito ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support. ACT-CIS Partylist.
Nagbigay ng isang mensahe si Yap, “sana sa ating pangangampanya ay walang mangyaring sakitan, mahalin pa rin natin ang ating mga katunggali dahil sila ay mga kababayan rin natin dito sa Benguet, irespeto natin ang kanilang karapatan dahil alam natin na ang bawat isa sa atin ay may mga angking kakayahan na makakatulong para sa mas lalong ikauunlad ng Benguet,” Photo by: Mario D. Oclaman //FNS