UNITEAM Proclamation Rally, inaasahang dadagsain ng Libo-libong mga tagasuporta
(February 7, 2022) HANDA na ang lahat para sa inaasahang pinakamalaking proclamation rally ng BBM-Sara UniTeam sa Philippine Arena sa Sta. Maria, Bulacan ngayong Martes na inaasahang dadaluhan ng mahigit sa 25,000 taga-suporta.
Sabado pa lamang nang magsimulang dumating sa lugar ang mga volunteer para sa okasyon na inaasahang sesentro sa proklamasyon nina presidential aspirant Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr. at kanyang katambal na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Sentro rin ng proclamation rally ang pagpapakilala sa senatorial slate ng UniTeam.
Abala na ang mga supporters at volunteers sa pag-aayos ng lugar simula pa nitong Sabado ng umaga para masigurong magiging maayos ang naturang okasyon.
Ayon sa UniTeam, tinatayang mahigit 25,000 taga-suporta ang dadalo sa proclamation rally sa Philippine Arena na tinagurian ng Guinness Book of World Records na pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.
Aabot sa 55,000 ang kapasidad ng nasabing arena pero dahil pa rin sa pandemya, kalahati lamang o 25,000 ang papayagang makapasok sa lugar dahil na rin sa ipinatutupad na mga health protocol.
Ayon sa mga event organizer ng UniTeam, ang mga fully vaccinated lamang ang papayagang makapasok habang mahigpit pa ring ipatutupad ang mga health protocol.
Mag-uumpisa ang proclamation rally dakong alas-kwatro ng hapon at matatapos naman ng alas-siyete ng gabi.
Inaasahan din ang pormal na proklamasyon sa senatorial slate ng UniTeam na kinabibilangan nila Senators Sherwin Gatchalian at Juan Miguel Zubiri; at dating Defense secretary Gilbert Teodoro.
Kasama rin nila sina dating Public Works and Highways secretary Mark Villar; dating tagapagsalita ng Malakanyang na si Harry Roque; Rep. Loren Legarda; dating senador Jinggoy Estrada, Rep. Rodante Marcoleta, dating Quezon City mayor Herbert Bautista; abogadong si Larry Gadon; at dating senador at Information and Communications Technology secretary Gregorio “Gringo” Honasan II.
Magsasagawa rin ng katulad na proclamation rally bukas ang iba pang mga aspirant pero gagawin lamang ang mga ito sa mas maliit na lugar.
Ilang political analyst na ang nagsabi na ang tambalang Marcos-Duterte ang team to beat sa May 2022 base na rin sa ipinakikitang suporta ng publiko at mga resulta ng mga respetadong survey company na nananatiling pinangungunahan ng UniTeam. ###