TWO IN ONE ACTIVITY NG TAMBALANG SAGIP-BUHAY DINAGSA NG TAO
(Bloodletting & Community Pantry)
BAGUIO CITY – Sa idinaos na pagdiriwang ng ika-10 taon anibersaryo ng Tambalang Sagip-Buhay nina Tatang Edong Carta at Lolo Jimmy Lozano at sa inisyatiba ng Philippine Red Cross, Baguio City Chapter ay hindi napigilan ang biglang pagdagsa ng tao sa Grandstand, Melvin Jones noong April 25, Linggo ng umaga.
Sampung Taon matagumpay na adbokasiya ang walang humpay na layunin na himukin ang mga nais mag handog ng kanilang dugo, dahil ito ay isang paraan na makatulong rin sa mga tao na mangangailangan ng dugo bilang dugtong at sagip-buhay.
Ayon kay Lolo Jimmy, “Naisip ni Tatang two days before ang Bloodletting ay isinama na rin namin ang Community Pantry at ito nga hindi namin sukat akalain na dadagsain pala kami rito, pero nakakagaan pala ng pakiramdam kapag ganitong nakakatulong tayo sa kapwa natin na kapos ngunit magpasalamat rin tayo sa mga taong may mabuting puso na kusang nagkaloob ng kanilang donasyon,”
“Ganun rin sa biglang pag dating ng ilang aktibong kababaihan ng Baguio Everlasting Lions Club may mga ibinahagi rin silang mga pagkain, medicines at vitamins at maging sa mga donors rin na nag-donate ng kanilang dugo, labis labis ang pasasalamat namin ni Tatang Edong, kaya lang po sana ay maunawaan rin kami ng ibang kababayan natin kung hindi man namin naibigay yun expectations nila, hanggang doon lang ang nakayanan namin,”
“Sa lahat ng aming mga tagasubaybay mula noong kami nagsimula na hanggang sa ngayon ay sampung taon na kami sa Tambalang Tatang Edong at Jimmy Lozano kami po ay nagpapasalamat, kung wala kayo mga taga pakinig, mga loyalistang listener ay wala rin kami hindi umusad itong Tambalan, at kung wala yun mga sponsor namin ay wala rin kami, sila ang aming haligi sa aming pagpapatuloy na serbisyo. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat,” ani Lozano. Mario Oclaman / FNS