Two honest workers returned P600K found at SM Supermarket

Two honest workers returned P600K found at SM Supermarket

Photo by: Mario Oclaman / Freddie Rulloda Net 25 and SM City Baguio

BAGUIO CITY – (August 27, 2022) – Sa pahintulot na binigay ni Mall Manager Rona Vida Correa ay nabigyan ng pagkakataon makapanayam ng ilang media personality si Rodney Visperas, isang Security Guard ng Saber Alpha Security Agency.

Matapos magpakita ng mabuting loob sa kanyang katapatan sa tungkulin bilang security guard ay naibalik nito ng maayos sa may ari ang isang bag na may laman na malaking halaga na P600K na nakita sa SM Supermarket noong August 25, 2022.

Ayon kay SG Visperas, “Habang nakaduty ako sa entrance at nag check ng mga bag na pumapasok sa loob ng Supermarket, tinawag ako ng isang diser na nagsabi na may nakita siyang bag na nakapatong sa ibabaw ng naka display na bigas, nakita ko habang wala pang tao ay tiningnan ko ang loob ng bag para I check, ng makita ko na may pera ay agad ko dinala sa customer service,”

“Naisip ko baka ito ay gagamitin sa ospital o gagamitin sa negosyo kaya naisip ko agad na ibalik sa Customers Service at dito namin nalaman ang laman ng bag ay may anim na bundle na tig 100k bale ang kabuuan ay P600k may kasama rin na ID ng bata, nung araw na yun ay may babaeng nagpunta may kasamang bata at nagtatanong na may naiwan na bag sa Supermaket, na interview ang babae at napag-alaman na yun batang kasama niya ay siya yun ID na nasa loob ng bag na may pera, nasiyahan ako dahil naibalik ng safe yun pera sa may ari at nagpasalamat rin sa akin,” dagdag ni Visperas.

Si SG Visperas, 28 at isang roving uniform guard sa SM Baguio Supermarket na may isang taon nang nagtatrabaho sa SM sa ilalim ng Saber Alpha Security Agency.

Ayon naman kay Mall Manager Correa, “Unang una ay nagpapasalamat ang buong kumpanya ng SM kay SG Visperas lagi naman namin pinaaalala sa kanila na kailangan kapag mayroon tayo nakitang lost item maibalik agad sa customer, sabi nga ni SG Visperas kahit na anong amount yan dapat maibalik  natin, of course we commend nakarating na ito sa pinaka top management ng SM, abangan na lang kung anong commendation ang maibibigay, ususally we give a commendation or certificates signed mismo ng may ari ng SM,”

“We are very proud na even if ganito ang sitwasyon natin, nasa pandemic pa rin tayo and we are still on road to recovery, pati yun mga indibidwal natin na mga empleyado are still on road to recovery hindi sila yun nate-tempt pa rin at napakalaking bagay yun para sa amin kasi iwinawagayway rin nila ang bandila ng mall lalo na ang company at pati na rin ng security agency ,” ani Correa.

Pinuri rin ng SM Management ang store merchandiser na si Amani Sarip na unang nakakita sa bag at itinuro ito kay Visperas na agad naman dinala sa customer’s service. #  Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman