TURNOVER WHEELCHAIRS FROM AASENSO

TURNOVER WHEELCHAIRS FROM AASENSO

GRACE Guardians Metodio FGGF “JOEL” Aquino ( 4th from left) received the 2 unit wheelchair from AASENSO and GRACE Guardians Chairman Atty. Isagani R. Nerez, represented by Santiago FRMG “CAPARIES” C Regidor, witnessed by Ma. Teresa FRMG “ATTY” M. Arnedo, Jessie RMG “ALDABOG” Samson and Vicente RMG “KATALA” Quilon. Wheelchairs have been placed in the care of Metodio Aquino and can be borrowed if needed for emergency purposes.  Photos by: Mario Oclaman / FNS

BAGUIO CITY – (October 9, 2021) – Napakahalagang bagay at malaking tulong na magagamit ang dalawang wheelchair na ipinagkaloob mula sa puso ni AASENSO at GRACE Guardians Chairman Atty. Isagani R. Nerez.

Ayon kay Nerez, “Whatever is needed ng ating mga kababayan sa Baguio when it comes to this kind of equipment, then yes AASENSO is more than willing to share more, actually ito lang ang ni request, kaya initially ay dalawa na muna but, again I would like to emphasize and to say it clearly na AASENSO is more willing to help lalo na dito sa Baguio.”

“Because AASENSO ay Baguio base, alam natin na up to this time AASENSO is the only partylist group or organization dito sa Cordillera.

“Ang ating AASENSO ay na create ito primarily for the people of Baguio and people of Cordillera kaya magpapatuloy ang ating misyon ang layunin na makapaglingkod higit lalo sa mga kababayan natin na nagdarahop ngayon panahon ng pandemiya,”

“Simula pa noon naunang pinalad ang AASENSO nang mabigyan tayo ng pagkakataon maupo sa kongreso ay batid ng Mahal na Panginoon na hindi natin pinabayaan ang maglingkod halos sa iba’t-ibang sulok ng bansang Pilipinas ay nariyan tayo na umaagapay sa ating mga kababayan,”

“Hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang ating gawain sa tulong na rin ng mga BRO’s at mga Sister’s ng bawat Chapter natin ay may mga pagkusa kayong ginagawa para sa serbisyo na pinaglilingkuran ang mamamayan,”

“Ipinapakita natin na hindi tayo  nagde-defend sa ating City Government dahil alam naman natin na 128 barangays ang sineserbisyuhan ng city government, and of course mayron tayong congressional seat in Baguio na si Congressman Mark Go ay talagang tumutulong sa ating mga kababayan,”

“At kung makabalik ang ating AASENSO sa kongreso ay may  additional source tayo magagamit para sa Health, Education, Livelihood at additional fund for the betterment of our kababayan dito sa Baguio,”

“Alam ko at nakikita ko ang mga ginagawa ng GRACE Guardians na naging katuwang kayo sa mga barangays, napaka aggressive ang ginagawa niyong pagtulong tulad ng cleanliness drive, distribution ng mga relief, food assistance program, Oplan Taob, Oplan Kaluluwa at pagsama rin sa mga programa ng kapulisan at ibang sektor ay maipagmamalaki ko ang inyong mga pagganap sa lipunan,”

“We will keep helping the people of Baguio, the people of Cordillera,”

“To our constituents, sa mga miyembro ng Guardians all over the country, dahil ang GRACE Guardians hindi lang dito sa Luzon kundi pati sa Visayas at Mindanao, lagi kong idinadalangin sa Mahal na Panginoon na gabayan tayo, ingatan mailayo sa mga kapahamakan at bigyan tayo ng malusog na pangangatawan, bagaman patuloy ang pandemiya ay lagi tayong magdasal para sa ikaliligtas natin,” pagtatapos ni Nerez.  Mario D. Oclaman / FNS

Mario Oclaman