TUPAD PAYOUT IN WANGAL SPORTS COMPLEX
Ayon kay Head ng DOLE Baguio-Benguet Emerito Narag, “malaki ang pasasalamat natin kay Senator Emmanuel Joel Villanueva na naglaan ng pera para sa TUPAD at nagkaron ng katuparan na nai-release ang P2.9 miilion at ang nag-implement ay si Benguet Governor Melchor Diclas na mula sa apat na munisipyo ng Benguet; ang Itogon, La Trinidad, Sablan at Tublay na may 755 beneficiaries ang makatanggap ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced Workers na programa ng Department of Labor and Employment,”
Ang bawat isa ay nakatanggap ng P3,500 sa sampung araw nilang pinagtrabahuan.
Sinabi naman ni Benguet Congressman Eric Yap sa December 13 to 17 ay may massive payout na isasagawa sa bawat municipality ng Benguet para sa Pamaskong Handog ng National Government sa mga taga Benguet.
“Magpapatuloy hanggang sa susunod na taon ang payout ng Benguet,” ani Yap.
Ginanap ang TUPAD payout sa Wangal, Sports Complex, Benguet noong November 30, 2021. Photos by: Mario Oclaman / FNS