TUPAD ng DOLE-CAR malaking tulong sa barangay

TUPAD ng DOLE-CAR malaking tulong sa barangay

BAGUIO CITY – (May 15, 2023) Natapos na ang sampung araw na pagta-trabaho ng halos isanglibong beneficiaries ng TUPAD ng DOLE-CAR sa 128 barangay noong ika-14 ng Mayo (Sunday).

Ayon sa mga residente ng barangay ay malaking tulong ang nagawa ng TUPAD dahil nalinisan ang kapaligiran, side walk at mga canals sa mga barangay bago pa man dumating ang tag-ulan ay nalinisan na ang mga ito at upang hindi rin pamugaran ng mga lamok ang mga canals at mga nakaimbak na basura sa mga ilog.

Maliban dito ay inaasahan naman ng mga TUPAD beneficiaries  ang kanilang sasahurin na makakatulong rin sa kanilang mga pangangailangan sa pamilya.

Sa kasunduan naman sa barangay ay kailangan nakapag fill-up na ng daily time record ang mga naka kumpletong araw ng pagtrabaho bago dumating ang araw ng payout at sa pakikipag koordinasyon sa tanggapan ni councilor Vladimir Cayabas ay hinihintay na lang ang proseso para sa gaganaping payout na mula sa Department of Labor and Employment (DOLE-CAR).

Ayon naman kay Labor & Employment Officer III Clarissa Lyca R. Vizcarra,” Sana pagdating ng payout, ay walang problema sa mga kontrata at DTR nila para hindi makasagabal ito sa pagpapasweldo sa kanila, maging maayos sana ang pagbibigay ng sweldo sa kanila,”

Samantala, marami rin ang nagtatanong sa mga residente ng barangay kung pwede raw sana sila naman ang susunod na makasama sa TUPAD ng DOLE-CAR.  ###  Ulat ni Mario Oclaman / Kuha ng litrato ni: Jennifer Cuyajon  //FNS

Mario Oclaman