TS Diskwento Caravan dinagsa ng mga mamimili, ilang consumers humihirit pa ng extension.
BAGUIO CITY – Sinimulan ang Super Sari-Sari Store Bonanza (Diskwento Caravan) noong November 18, 2022 sa pamamagitan ng ribbon cutting na pinangunahan ng ilang local offcials, Office of the City Mayor representative Engr. Doy Tabilog, City councilors: Atty. Betty Lourdes Tabanda, Lilia Fariñas, City Tourism Officer Alec Mapalo assisted by Tiong San Vice-President Jasper Golangco.
Unang araw pa lng ng Diskwento ay dinagsa na ito ng mga mamimili na kung saan ang iba ay galing pa sa ibang karatig probinsiya, karamihan sa mga namili ay mga may sari-sari store dahil makikita na bultuhan ito, dahil nga naman sa napakamura ng mga bilihin ay talagang sasagarin at susulitin nila ang pamimili.
Maging sa mga appliances at furnitures ay sinamantala na rin ito ng mga consumers na makabili sa mababang presyo lang, mapapansin na maraming naka stock halos mapuno ang benches wing area ng Athletic bowl.
Ayon kay VP Golangco, “Nakita namin na umaga pa lang ay maganda ang pagtanggap ng mga tao at masaya sila dahil nagkaroon na tayo ng pagkakataon makabalik muli sa kabila ng dalawang taon tayo hindi nakapagsagawa ng ganitong diskwento.
“Ang original talaga nito ay hindi Tiong San ang may gawa nito, kami lang ang nagpapatakbo, it’s really ang event na ito ay sa DTI kasama ito sa series na tinatawag na Diskwento Caravan ang ginagawa natin dito ay to enforce and encourage lower prices, alam natin habang tumatagal ang mga may negosyo ay tumataas ang paninda nila para may kita sila, tayo pinapakita natin sa mamamayan na kayang ibaba para naman makita ng ibang negosyante na babaan rin nila ang presyo ng mga paninda nila, kaya pagkakataon na nila ito makapamili ng para sa pampasko,”
Masaya rin kami sa mga bumubuo nito kasama ang mga suppliers na tuloy-tuloy ang kanilang suporta na isang paraan na matulungan natin ang mga consumers” pagtatapos ni Golangco
Samantala, Sa November 20 (Sunday) na ang huling araw ng diskwento at marami rin ang nagtatanong kung may extended pa ito, mangyari lamang ay tatlong araw lang talaga ang kasunduan sa mga suppliers at sa ahensiya ng gobyerno, kaya pagkakataon na puntahan ang huling araw ng diskwento itong Linggo. Photos by: Mario Oclaman // FNS