Thirteen Female PDL kusang-loob bumoto sa Baguio City Jail

Thirteen Female PDL kusang-loob bumoto sa Baguio City Jail

Lungsod ng Baguio – (October 30, 2023) Labing Tatlong kababaihan na Persons Deprived of Liberty (PDL) ang kusang –loob na bumoto para sa BSKE 2023 sa loob ng Baguio City Jail, AZCKO barangay noong ika-30 ng Ocotber.

Naging maayos ang isinagawang pagboto ng mga PDL na pinangunahan ni JINSP JOAN T BACAYAN – Officer-In-Charge, Baguio City Jail – Female Dorm.

Sinabi ni JINSP. BACAYAN, “Thirteen na Female PDL ang nag volunteer para bumoto ngayon Barangay and Sangguniang Kabataan Election 2023,”

“May ilang kababaihan rin ang naka register sa kanilang probinsiya pero malalayo ang lugar ng kanilang presinto kaya hindi sila pwede i-biyahe at ang isa pang dahilan ay ayaw rin nila na nakaposas at naka yellow t-shirt na boboto sa kanilang presinto, kaya mas mainam na dito na lang sila sa loob ng BCJ,”

“We advise them to exercise the right to vote para makatulong rin sila sa community at makapili rin sila kung sino ang gusto nilang kandidato,”

Dumalo rin si JSSUPT ROLAND LEE N. CAEL – Director for Information and Communications Technology Management BJMP, National Headquarters para sa monitoring nito sa isinagawang Barangay and Sangguniang Kabataan Election upang maseguro na maging maayos ang botohan ng mga PDL sa loob ng piitan ng lungsod ng Baguio. Naitala na ang total number registered voter sa Baguio para sa BCJ-Male Dorm ay may 76 ngunit ang bumoto lang sa loob ay 21 at ang bumoto naman sa labas ay 11 na Male PDL.

Sa kababaihan naman ay may total number registered voter na 21 sa Female Dorm at ang bumoto naman sa loob ng BCJ ay 13 Female PDL. ### Kuha ni: Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman