Suporta ng KBL kay BBM solido at hindi magbabago

Suporta ng KBL kay BBM solido at hindi magbabago

TINIYAK ng pamunuan ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) na solido at hindi magbabago ang kanilang suporta kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., kasabay ng pagbibigay-linaw na walang katotohanang inabandona na ito ng iba nilang miyembro, partikular na ang mga nasa Baguio chapter.

Sa pulong pambalitaan na ginanap sa lungsod nitong nakalipas na Sabado, binasa ni KBL vice president for Luzon Chris Garrido ang opisyal na pahayag ng kanilang partido.

Pinabulaanan nito ang mga naglabasang ulat na ilan sa kanilang Baguio chapter members ay inabandona na ang kandidatura ni Marcos.

“This is to inform the public that there is no truth to the publicized withdrawal of support of the KBL members in Baguio City. We want to assure you that our officers and members are fully in support of BBM,” ilan sa bahagi ng pahayag na nilagdaan mismo ni KBL National President Efren A Rafanan Sr.

Nabatid na nitong nagdaang Miyerkules (April 13), ilang opisyal ng KBL-Baguio Benguet ang inimbitahan para sa isang salo-salo kung saan ay sinabihan silang magdala ng appointment papers ng ilang kasamahan sa partido.

Sinabi ng ilang opisyal na karamihan sa kanya ay hindi sinabihan kung anong uri ng pagpupulong ang kanilang dinaluhan.

Nang makapasok sa lugar ay nagulat sila dahil marami nang media ang kumukuha sa kanila ng video at larawan at hindi na rin nila makuhang makalabas dahil nakasara na ang gate ng gusali.

Nabigla umano sila rito at walang nagawa, lalo nang ipangalandakan sa kanila ang ilang tarpaulin ni Isko Moreno.

“Nakisakay na lang kami dahil wala na kaming magawa at sumunod na lang sa kanila,” anang grupo.

Isang organizer na nagngangalang Aries Mendoza ang tinukoy ng naturang grupo na binigyan din ng t-shirt, ID sling, at bigas.

Ayon kay Rafanan, base sa inisyal na imbestigasyon na ginawa ni Chris Garrido, kumikilos ang kampo ni Moreno upang gapangin ang karamihan sa miyembro ng KBL na suportahan ang alkalde ng Maynila.

Tinawag ni Rafanan na isang desperdong aksiyon ang ginawa ng kampo ni Moreno, lalo’t pati sila ay gumagamit na rin ng pamemeke sa dami ng bilang ng kanilang supporters.

Idinagdag nito na ang pamunuan ng KBL ay nagpaplanong magsampa ng kaukulang kaso laban sa ilang organizers ni Moreno na hayagan kung i- frame up at mamili ng boto sa kanilang mga miyembro.

“We appeal to our supporters to be intact and vigilant, as there are DIVIDE AND RULE, and DEMOLITION Strategy being undertaken by opposing parties and individuals to thwart the imminent LANDSLIDE victory of BBM and SARA and the UNITEAM,” ani Rafanan.

“Our apology to the concerned BBM supporters and the public for the delay of this statement as everybody are very busy in the observance of the HOLY WEEK. Thank You and Keep on Praying for a Clean, Peaceful and Honest Election,” pagbibigay-diin pa ni Rafanan.  ###

PRESS RELEASE