Sunog sa Maharlika Livelihood Complex, tinupok ang ikatlong palapag
LUNGSOD NG BAGUIO – (July 16, 2024) Naunang nakita ng ilang mga passerby sa Abanao Road na may makapal na usok sa 3rd floor ng Maharlika Livelihood Complex.
At hindi nga nagtagal ay may biglang nagliyab na unti-unti na ang paglaki ng apoy nito, agad naman nag responde ang Baguio City Fire Station at sinundan rin ng Baguio Water District, ilang private water delivery para agapan na maapula ang pagkalat ng apoy sa ilang palapag ng naturang gusali.
Halos tinupok ng apoy ang ikatlong palapag ng Maharlika na ang mga nasunog dito ay antique souvenir shop, frozen food at cafeteria
Agad rin pinuntahan ni Mayor Benjamin Magalong ang lugar na kung saan ay upang makipag koordinasyon sa pamunuan ng Abanao Square at mamahala magbigay ng command sa mga bumbero.
Sinabi ni Mayor Magalong na nagsimula ang sunog ala-1:20 ng madaling araw at ang napapanahong pagdating ng mga bumbero at ang pagkakaroon ng fire hydrant ay nakapigil sa pagkalat ng apoy sa iba pang palapag, anya.
“Nakipag-ugnayan na rin kami kay Maharlika General Manager Robert Arevalo para sa buong detalye ng mga apektadong tenant para sa government logistics, habang ang buong complex ay pansamantalang sarado para sa pagsasaayos upang matiyak ang kaligtasan ng mga nangungupahan at mamimili,”
Aniya, natukoy na ng Baguio City Bureau of Fire Protection (BFP) ngunit hindi pa inilalahad ang sanhi ng sunog habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Hindi pa rin matukoy ang pinsala sa ari-arian at walang naiulat na namatay o nasaktan sa sunog.
“The fire will not affect the city government’s plan to take over the facility in 2025. “The fire has not affected our plan for the rehabilitation of Maharlika, we will proceed with the timeline, by 2025, the city will take over the facility.” Pagtatapos ni Mayor Magalong
Ang Maharlika Livelihood Complex sa Central Business District ay nasa ilalim ng Department of Agriculture-Cordillera at katabi ng Baguio City Public Market. Sa ikatlong palapag ay may parking area, cafeteria, frozen food, at mga antigong souvenir shop.
Samantala, Nagsasagawa ng assessment ang City Social Welfare and Development Office at Department of Social Welfare and Development-Cordillera sa mga apektadong negosyante.
Magsasagawa ng clean-up drive ang mga tenant pagkatapos ng imbestigasyon sa naturang pinangyarihan ng sunog sa Maharlika Livelihood Complex. # Mario Oclaman //FNS