Sugalan Clan, Goldstream Small-Scale Miners nagsagawa ng tree planting
Sitios Balococ,Jaime Goldstream Barangay Camp 4, Tuba, Benguet – (August 13, 2022) – Pinangunahan ng dalawang grupo ng Small-Scale Miners Association ang Sugalan Clan Small-Scale Miners na pinamunuan ni Angelita Sugalan at ang Goldstream Small-Scale na pinanguluhan ni David Tomilas ang isinagawang pagtatanim ng Fruit berry trees kasama rin ang Harmonious Christian Women’s Association sa pamumuno ni Fe Milo at Tuba Grassroots Store Farmers and Livelihood Association sa pamumuno ni Gloria Gawiden. At ang kinatawan ng Federation na si Alfred Bugnosen, executive vice-president ng Benguet Federation of Small-Scale Miners, Inc.BFSSM.
Ang naturang tree planting ay magkahiwalay na ginawa sa iba’t-ibang bahagi ng kabundukan sa Sitios Balococ Jaime at Goldstream barangay, Tuba, Benguet.
Tinatayang dalawang ektaryang bulubundukin na lugar sa Sitio Balococ ang tinamnan ng iba’t-ibang fruit berry tulad ng Avocado, Mango, Bugnay, Guyabano at Rambutan.
Sinabi ni Sugalan Clan President Angie, ”Ang pagtatanim ng puno ay isang paraan ng pagpapakita ng ating samahan at ng komunidad para pangangalagaan at protektahan ang ating kapaligiran na siyang ating tahanan, sana panatilihin lagi natin gawin ang mga ganitong pagtatanim upang mailayo sa anumang pagkasira itong mga bundok partikular itong ating dinaraanan,”
“Dahil ito ang pangunahing pinagkukunan natin ng malinis na tubig na iniinom natin sa loob ng ilang dekada na ang nakaraan,” dagdag ni Sugalan
Binigyang-diin ni Angie na ang kanilang mga pagsisikap na pagtatanim ng puno sa kapaligiran ay upang protektahan ang mga dalisdis ng bundok mula sa posibleng pagguho ng lupa, kaya, nagsisilbing isang pananggalang para sa komunidad, lalo na ang mga batang mag-aaral na nagtitiis sa kanilang paglalakad na halos abutin ng kalahati hanggang isang oras ang paglalakad bago makarating sa kanilang paaralan sa Camp 4, gayundin ang mga taganayon na lumuluwas pa para mamili ng mga makain para sa kanilang tahanan at iba pang gawaing pangkabuhayan.
Ilang taon na ang nakalilipas ay marami na rin sila naitanim na iba’t-ibang uri ng punongkahoy tulad ng mahogany, Melina, ipil-ipil, at katutubong kawayan ang itinanim sa iba’t-ibang bahagi sa Sitios Balococ at Goldstream.
Sinakop nito ang tinatayang lawak na mahigit limang ektarya sa loob ng Minahang Bayan na ayon sa aplikasyon ng Sugalan Clan (15 ektarya) at Goldstream SSM, ayon sa pagkakabanggit nito.# .Mga larawan kuha ni: Angie Sugalan