SSS Baguio conducted a simultaneous nationwide RACE Campaign
BAGUIO CITY, (April 30, 2024) – Sinimulan ng Social Security System (SSS) Baguio Branch ang sabay-sabay na nationwide Run After Contribution Evaders (RACE) campaign ngayon Martes ng umaga bago sumapit ang Araw ng Paggawa itong ika- 1 ng Mayo.
Ang RACE campaign ay isang kampanya na isinasagawa ng SSS upang matiyak ang pagsunod at pagtugon ng mga employer sa kanilang obligasyon sa ilalim ng Republic Act 11199 o ang Social Security Act of 2018.
Seryosong hahabulin ng SSS ang mga employer na hindi nagreremit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
Bahagi rin ang nasabing programa sa pinaigting na kampanya upang makakolekta ng unremitted contributions mula sa mga delingkwenteng employer.
Bumuo ng dalawang pangkat ang mga opisyal ng SSS upang mapadali ang pagbibigay ng Show Cause Order o Notice of Violation sa walong delingkwenteng employer kabilang ang Hotel, Restaurant, Laundry shop, Construction, Land surveying Services at Veterinary Clinic.
Sa Baguio City ay pinangunahan ni SSS Branch Head Nancy Umuso kasama ang ilang personnel at legal officer, saksi ang ilang lokal media na kung saan ay apat na malalaking kumpanya ang personal na tinungo nito, bagama’t bigong makausap ang mga employer ay magalang naman sinunod ng mga supervisor ang pag received ng Show Cause Order.
At ang isang pangkat naman ay pinangunahan ni Assistant Branch Head Rosalie Maria Rachel C. Castañeto kasama ang ilang kawani nito na tinungo ang apat na mga establisyimento.
Layon ng programang ito na paalalahanan ang mga employer ng kanilang obligasyon sa Social Security Law.
Nagsisilbi rin itong babala sa mga delingkwenteng employers na ang hindi pagreremit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado ay labag sa batas at may kaukulang parusa batay sa nasabing batas.
Layunin din ng kampanya na himukin ang mga employer na iremit sa tamang oras o panahon ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado upang makapag-avail ang kanilang empleyado ng kaukulang benepisyo at loan programs mula sa SSS sa oras ng kanilang pangangailangan.
Sa ilalim ng batas, ang late contribution remittance ay pinatawan ng two (2) percent na multa o penalty kada buwan hanggang sa mabayaran ito ng buo.
Sinabi ni Atty. Duchess Anselmo ng SSS Baguio Branch Legal Office, “Yun notice natin for them to comply within 15 days with the obligation sa SSS, nakasulat naman na they have the option sa employers natin to avail the program ng installment or pwede rin sila mag inquire subject to presentation ng requirements for condonation natin ng penalties pero kung qualify sila,”
Kung hindi nakatugon ang employer sa ibinigay na show cause order na may palugit na 15 days ay I rerefer ang kanilang accounts sa Legal Department upang sampahan sila ng kasong criminal.
Kung napatunayang nilabag nila ang R.A. 11199, maaari silang makulong ng anim na taon at isang araw hanggang 12 taon at magbayad ng multa na nagkakahalaga ng P5000 hanggang 20,000.
Sa katunayan, sinusuportahan ito ng Korte Suprema matapos nitong katigan ang isang desisyon ng Court of Appeals laban sa isang real estate company na hindi nagreremit ng kontribusyon ng kanilang empleyado.
Dahil dito, hindi kwalipikado sa pagtanggap ng benepisyo at pribilehiyo ang mga apektadong miyembro. Kaya naman nararapat lamang na mahatulan ang delingkwenteng employer ng kasong criminal at magbayad ng multa.
Sinabi ni Umuso, “Maganda naman itong RACE kasi hindi naman ito na tatakutin namin sila kundi parang nandun yun mutual understanding ng employer at kami na nasa SSS, ini explain namin sa kanila na mayron silang duties and responsibilities, but then may mga employers kasi na minsan parang hindi nila ina aksyunan so, kami naman meron kami number of days to comply dahil batas kasi ito so, sinusunod lang namin kung ano yun nasa SSS policy,”
Ipinaliwanag rin kung bakit umabot sa P9,719,457.58 ang amount of delinquencies including penalty and principal sa lungsod ng Baguio dahil anya “sa computation na yun ay pwede naman nila I compensator on list magbigay lang sila ng proof of payments, ang sa amin kasi ay naka computerized ito, once na pinasok mo ito ang magiging basis namin ay yun mga previous na amount pero sa isang company kasi there are times na yun mga employee na hindi pumasok so, dahil diyan ay nag aadjust yun salary niya, salary din kasi ang basis namin to compute kung ilang days siyang pumasok, magkano yun kita niya dahil may penalties kasi yun, pero we need consider naman imbes na yun period in question ba within yun pandemic period? yun pandemic within pandemic period we have our cooperation so, kung may condonation mag aadjust yun, basta may documentation of proof na ipapakita sa amin magkakaroon ng adjustment,”
“Paalaala rin sa mga empleyado na kailangan naka registered kayo sa SSS Web namin upang makita niyo if your employer have paid your contributions lalo na kung may salary deduction kayo makikita niyo dun and, if in case na wala, you come to us nasa 3rd floor kami sa Accounts Management Section or coordinate with our account officers para ma check natin kasi baka naman nakabayad na si employer but then hindi lang nai post yun contribution,” pagtatapos ni Umuso. (Photo by: Mario Oclaman // FNS)