SM CITY CAUAYAN, NAKILAHOK SA BRIGADA ESKWELA 2023

SM CITY CAUAYAN, NAKILAHOK SA BRIGADA ESKWELA 2023

Mga kuhang larawan sa Brigada Eskwela na nilahukan ng SM City Cauayan. Kuha ni Krystal Gayle Agbulig

SAN MATEO, Isabela – Bilang suporta sa komunidad at eskwelahan, nakilahok ang pamunuan ng SM City Cauayan sa Brigada Eskwela sa pamamagitan ng paglilinis, pagpipintura at pagsasaayos ng sirang gamit sa mga silid aralan sa Cauayan South Central School noong Agosto 14 at sa San Fermin Elementary School noong Agosto 15.

Ayon kay Krystal Gayle Agbulig, ang tagapagsalita ng nasabing mall, ang aktibidad ay isinagawa ng mga piling empleyado, security guards, at housekeeping agencies sa pakikipagtulungan na rin ng mga guro. Layunin nitong bigyan ang mga batang mag-aaral ng komportableng silid aralan upang makapag-aral ng maayos.

Ang inisyatibo ay pagpapakita ng dedikasyon ng pamunuan ng mall sa edukasyon at boluntirismo.

Dagdag ni Agbulig, ang Brigada Ekwela umano ay nagbigay ng daan upang maipapakita ang kanilang adbokasiya sa edukasyon. Aniya, sa pamamagitan nito ay nagkakaroon sila ng pagkakataon na magbigay ng ambag para sa holistikong pag-unlad ng komunidad at ng bagong henerasyon.

Ang Brigada Ekwela ay programa ng DepEd na isinasagawa upang maihanda ang mga silid aralan ilang linggo bago magsimula ang pasukan.# Mae Barangan

Mae Barangan