SM City Baguio ipinagdiwang ang ika-124 na Araw ng Kalayaan, alay sa lahat na nagpamalas ng kabayanihan sa simpleng paraan
BAGUIO CITY – Isang simpleng programa ang isinagawa ng SM Baguio para makiisa sa pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan noong June 12, 2022 na ginanap sa Sky Terrace, SM City Baguio.
Pinangunahan ng SM Admin personnel, Marketing Department Security personnel at Utility worker. Dinaluhan rin ng Baguio Fire Department personnel, Girl Scout of the Philippines.
Nagpahayag ng mensahe si Michael Jason Peña – Assistant Mall Manager, SM City Baguio
“Kasabay sa isang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ay pagpupugay sa ating kapwa Filipino na patuloy na nagsasakripisyo para sa ating Bayan.
“Palakpakan natin ang mga bagong bayani, sino sila? “Tayo” bawat araw tayo ay nakakakita ng kagitingan at sigasig sa ating kapwa, tayong mga magulang, kapitbahay maging iba pang tao na ating nakakasalamuha na nagpapamalas ng kabayanihan sa kanilang simpleng paraan”
“Mula sa pagsunod sa mga batas, pagboto, pag-alaga ng kalikasan o kaya ay pagpapa bakuna laban sa COVID-19 ang mga simple ngunit makabuluhang gawain ito ay nagpapamalas ng labis na pagmamahal sa ating Inang Bayan.
“Sa buwan na ito, atin din ipinagdiriwang ang pagiging malikhain ng bawat Filipino patuloy dito ang yaman ng kultura ng ating bansa, mula sa pagkain, habing tela maging sa mga produkto na gawa ng ating mga kababayan,”
“Ang ating panawagan patuloy natin tangkilikin ang mga produktong gawang Pinoy, sa loob ng higit anim na dekada patuloy natin itaguyod ang itinataguyod ng SM Supermalls, ang ating mga MSME o mga Micro Small and Medium Enterprises sapagkat naniniwala kami na sila ang pag-asa at kinabukasan ng ating bansa,”
“At mula sa pagiging isa ring MSME hanggang sa pagkakaroon ng Pitumput at siyam na malls sa buong bansa, naniniwala kami na ang lahat ng tagumpay na aming tinatamasa ay bunga ng pakikipagtulungan ng ating mga kababayan na naniniwala sa aming kakayahan,”
“At ngayon Araw ng Kalayaan, ang SM Supermalls ay naglaan ng mga aktibidad kung saan maipapakita natin ang ating pagmamahal sa bayan at ang ating pagpapahalaga sa ating kalayaan,”
“Una riyan ang “Pinoy Eats” kung saan ating ibibida ang iba’t ibang pagkain ng Pinoy na sikat sa buong mundo, pangalawa, “Buy Pinoy” kung saan ating iha- highlight ang mga produktong gawa ng ating mga MSME, pangatlo, ang pagdi display ng watawat ng Pilipinas, lahat ng ito ay aming paraan para ipamalas na kaisa ng bawat Filipino sa pagdiriwang ng espesyal na araw na ito ang SM Supermall,”
“Ngayon, higit kailanman taas noo nating ipagdiwang ang ating kalayaaan na may lubos na pagpapahalaga sa ating mga magigiting na bayani, sa nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan at kasama ang buong pamilya, ipagdiwang natin ito ng ligtas at convenient dito sa SM Supermalls,” Mabuhay ang ating kalayaan, Mabuhay ang Pilipinas.
Nagpahayag rin ng mensahe si Gng. Jennifer Bugtong – Council Executive, Baguio Council of Girl Scout of the Philippines, “First time ng mga Girl Scout na lumabas muli so, parang lumayas sila, ganun din sa Independence Day natin na ito ay Kalayaan na sana ito na ang start na malaya na tayo lumabas uli para maki mingle sa ating mga kababayan at kung maari lang ay malaya na rin tayo sa COVID-19 pero of course the precaution ay kailangan pa rin natin para tuloy-tuloy na ang freedom natin sa pandemiya at sana naman maging prospers tayo sa mga susunod pang mga araw, magtulungan tayong lahat na maging malaya tayo sa lahat ng ating mga gagawin para sa pag-unlad ng ating bansa,” Mario D. Oclaman / FNS