SM City Baguio conduct cleanup at Quezon Elementary School as part of Brigada Eskwela
BAGUIO CITY – (August 18, 2022) – Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan ng mga mag-aaral sa elementarya na face-to-face sa August 22, (Monday) ay nagsagawa ng cleanup ang admin ng SM Baguio sa pangunguna ni mall manager Rona Vida Correa kasama nito ang nasa 50 agency personnel (Janitorial and Security personnel) na kung saan ay nilinis ang mga paligid ng eskwelahan ng Quezon Elementary School kinumpuni rin ang mga nasira sa loob ng silid-aralan.
Ang two-storey four classroom school building na nai-donate ng SM PRIME HOLDINGS, INC through SM FOUNDATION, INC. noong November 11, 2016 na dito nagkaroon ng pagkakataon ma-inspect naturang school building, nakita rito ang mga sirang switch lights, jalousie window, ang natutuklap na kisame sa classroom maging ang mga armchairs na kailangan rin ma barnisan, at mapinturahan rin ang mga dingding.
Ang partisipasyon ng SM Cares ay taun-taon na ginagawa bilang kooperasyon sa program ng Department of Education at suporta sa Brigada Eskwela na may temang: “Tugon sa Hamon, Ligtas na Balik-Aral”
Sinabi ni Ms. Rona, “Ang SM Cares through SM Foundation yearly ay pinupuntahan namin ang mga schools para makiisa sa programa ng DepEd na Brigada Eskwela pero nahinto lang noong dalawang taon tayo nagka pandemic pero ngayon nagkaroon tayo ng pagkakataon muli dahil papasok na ang mga bata ng face-to-face, we prioritize talaga ang safety ng mga bata itong pagpasok nila sa school, na-inspect rin namin ang school building upang alamin ang mga dapat makumpuni may mga electirican at plumber na kami kinontak para maayos agad ang mga sirang switch at walang fluorescent ganun rin ang mga baradong drainage sa comfort room upang bago pa man pasukan ng mga bata ay maayos na ang kanilang school at kasabay nito ay namigay rin kami ng mga school supplies para sa mga estudyante at sa mga teachers mga bond paper at iba pa,” ani Correa
Ayon naman kay MLQ Principal Ligaya Annawi,”We are very happy that SM ay may mabuting puso at napaka matulungin sa amin ginugol nila ang kanilang oras para matulungan kami makapaglinis malaking bagay itong kanilang nagawa nakita namin na marami silang kumilos na naglinis sa paligid ng paaralan at may mga kinumpuni pa sila na mga nasira sa classroom, in fact one of the beneficiaries of the goodness of the heart of SM is our school nakita niyo naman ang isang building na ibinigay nila sa school.
“Marami pa kami dapat pagtuunan ng pansin tulad na lang ng sufficient mask kasi ideally sabi nila we are not suppose to wear a single mask for a whole, kaya kailangan ng mas maraming mask maraming alcohol kailangan ay marami rin kaming supplies ng face mask at alcohol dahil hindi rin natin masabi na ang ibang estudyante ay maka afford ng para sa health safety protective nila, kaya kaming mga nasa school ay hindi rin namin alam kung saan magpo provide ng pang health protocols equipments ngayon kun may magbibigay sa amin tulad ng binigay ng SM na nagbigay sila ng mga face mask at alcohol para sa mga estudyante ay malaking tulong ito sa amin, kaya nagpapasalamat kami sa SM,”
“Nasa mahigit 600 grade school pupils ang naka enroll ngayon and as the preparation, we are prepared yun mga basic na preparations, we are ready, hindi pa tayo full face-to-face nasa blended learning pa rin tayo from starting Monday August 22 to October 31 ay blended learning pa rin tayo ang gagawin namin dito 3 days na face-to-face and then 2 days home learning that would be blended with the activity sheets with the messaging zoom and google mix, may mga pinagawa na tayong handwashing facilities na magagamit ng mga estudyante sa kanilang health protocols,”
“Nagpapasalamat kami sa mga tumutulong dito sa school, marami pa rin kami mga pangangailangan kung sino man po ang may mabuting puso at gustong mag share ng kanilang blessing, we will welcome whatever blessing you will share to our school and we promise you na ang mga ito kung anuman ang maibigay niyo ay mapupunta sa dapat na pupupntahan at saka this will be properly acknowledge according to the principles of transparency,” pagtatapos ni Annawi. # Mario Oclaman //FNS