Seven first timer is chosen as Baguio Lucky Summer Visitors

Seven first timer is chosen as Baguio Lucky Summer Visitors

BAGUIO CITY – (April 6, 2023)  Sa pakikipag koordinasyon ng BCBC search committee sa Land Transportation Office (LTO) na pinamunuan ni Law Enforcement Service Rolando Abellardo kasama ang kanyang mga patrolman ay naging maayos ang pakikitungo na pakiusapan ang mga driver ng aircon bus na galing Manila upang magpakilala at ipahayag sa mga pasahero kaugnay sa proyekto ng BCBC.

Sa pangunguna ni BCBC President Joseph Cabanas at ng Search Committee na sina Migs Velarde, Jordan Tablac at Roderick Osis ay ipinaliwanag nila ang tungkol sa benepisyong red-carpet treatment sa mapalad na mapipili na unang pagbisita sa lungsod ng Baguio.

Ang unang batch na napili ay isang lalake at isang babae pawang magkasintahan lulan ng Victory Liner papuntang Baguio ito ay sina Ivan Magahis, 25, isang Junior Analyst at si Ciara Balmaceda, 26, isang Administrative Staff na parehong residente ng Bacoor, Cavite.

Sumunod ang limang magbabarkada lulan ng Genesis bus papuntang Baguio sila ay sina Lea Cayabyab, 25; Genalyn  Billones, 37, ; Joan Velez, 38,; Rechelle Ramos, 36 at Ivy Cayabyab, 30 na pawang residente ng Mariveles, Bataan.

Nang makumpleto ang pagpili ay ipinakilala ang pitong lucky summer visitor kay Pugo Mayor Kurt Martin upang dito ay pasalamatan ang BCBC at bigyan ng isang karangalan ang mga mapalad na napili as Baguio Lucky Summer Visitor.

Kasama ang ilang staff ng Office of the Mayor Benjamin Magalong, DOT-CAR personnel at media noong Maundy Thursday morning (April 6)

Ang Lucky Summer Visitor ay pinasimunuan ng yumaong Baguio-based journalist at city councilor na si Narciso Padilla noong 1975 at ayon sa abogadong si Joel Dizon na dating newsman. Ang bersyon ng proyekto ay inorganisa ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club (BCBC) noong 1978.  Photos by: Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman