Senior Coding Scheme isasailalim sa isang eksperimento kaugnay sa sitwasyon ng trapiko
“Ang pag-veto ay hindi isang pagtutol sa panukala. Kailangan lang muna natin itong isailalim sa isang eksperimento upang makakuha ng insight tungkol sa epekto nito sa ating sitwasyon sa trapiko,”
Ito ang mariin na sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay sa usaping coding scheme for senior.
“Dapat every decision especially yun mga complicated na mga schemes o complicated na mga ordinances such as coding schemes for seniors dapat base on data,”
“Although na veto ko ito dahil mag-expire na, I have to veto it but ang kapalit naman nun ay we are going to conduct experimental scheme siguro for the next three months pero kelangan lang namin bigyan ng allowance na two weeks notice, advance notice that will be experimental scheme basically is in connection with the exemption of our seniors from the coding scheme kasi hindi natin alam kung gaano ba karami, kaya patuloy ang pag gather namin ng data ngayon, pano ba magdadagdag nito, pasukan pa man din, nag-aadjust pa ngayon so, baka ma-complicate,”
Mas mabuti na yun kumpleto na tayo ng datos o kaya during the experimental implementation of the pilot test saka tayo maga-gather ng data pwede rin yun ganun scheme,”
“Kailangan natin malaman kung ilan ba ang Senior Citizen na may sasakyan kasi magdadagdag ito isipin niyo as of last year ang total number of register vehicles dati-rati nire report ko two years ago was 56,000 pero ngayon nasa 60,280 plus na, yan ang total number of register vehicles in the city of Baguio, at alam niyo naman ang Baguio it was only designed for about 20,000 vehicles wala pa diyan yun vehicles ng mga turista so, hindi basta-basta bigla na lang tayo mag iimplement ng isang bagay na hindi natin pinag-aaralan should be always a science behind it, bawat decision dapat may science behind it,”
“Wala naman objection ang city council dito dahil naipaliwanag na sa kanila, huwag lang pulitikahin at gawin na naman malisyoso ang mga comments, mali yun, ang sa amin lang is everything should be base decisions such as implementation of certain traffics scheme and should base on data, otherwise magsa suffer tayo lahat dito sa siyudad ng Baguio,”
“Kasi ngayon halos hindi mo na malaman kung sino ang senior, mayron akala mo senior pero batang-bata pa, at may batang-bata pa pero senior na so, very complicated kaya kailangan talagang pag-aralan mabuti, the next two weeks we are going to implement siguro initially yun experimental will be two months and then extend pa natin kung kulang pa ng data, pero in two months makikita na natin yun impact nito kung pwede ba siguro first scheme yun seniors na nagmamaneho pag nakita natin yun okay yun seniors na nagmamaneho then that’s the time introduce natin yun seniors na pasahero,” pagtatapos ni Mayor Magalong. # Mario Oclaman // FNS