Senator Risa Hontiveros reports that OVP spent P125 million in confidential funds in 11 days.

Senator Risa Hontiveros reports that OVP spent P125 million in confidential funds in 11 days.

“Anong uri na naman ng magic ang ginamit nila para ubusin ang P125M sa loob ng 11 araw? Hindi na lang yan spending spree. Yan ay paglapastangan sa mamamayan.”

Napakagaspang. P11 million kada araw? Daig pa ang may patagong credit card sa national budget. Hindi niyo pera yan!

Confidential funds can be validly spent only on expenditures supporting surveillance activities of civilian agencies.

Yung ating Coast Guard sa West Philippine Sea, araw-araw binabantayan ang sumpong ng China. 17 years pinagkasya ang P117 million na confidential funds. Ang OVP, hindi man lang umabot sa dalawang linggo.

What can VP Sara show for it? Nagmass hiring ba ang OVP ng libo-libong informant sa loob lang ng 11 na araw? Nagpatayo ba sila ng daan-daang safehouse sa loob lamang ng 11 na araw?

Babalik lang tayo sa paulit-ulit na tanong: Saan niyo dinala ang pera? Naghihintay ng resibo ang buong Pilipinas,” ### (PR)

PRESS RELEASE