Senador Alan sa mga residente ng EMBO: ‘Subukan rin ninyo ang pagmamahal ng Taguig’
Inanyayahan ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga residente ng Enlisted Men’s Barrio (EMBO) na patuloy nilang buksan ang kanilang mga puso upang “tumanggap ng pagmamahal” sa pamamagitan ng serbisyong publiko na inaalok ng kanilang bagong lungsod ng Taguig.
Panawagan ito ni Cayetano sa mga residente habang kasama niya si City of Taguig Mayor Lani Cayetano sa orientation ng Taguig LGU para sa hindi bababa sa 900 beneficiaries ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program, na isinagawa nila sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), nitong Martes, September 19, 2023.
“Naintindihan ko po na mayroon pa pong mga emotional sa paglipat ng mga EMBO sa Taguig. Hindi po madali Iyan, hindi po namin minamaliit ang inyong nararamdaman. Ang sinsasabi lamang po namin ay subukan niyo lang ang pagmamahal ng Taguig,” sabi ng independent na senador.
Paliwanag ni Cayetano, ang serbisyong publiko ng Taguig ay isinasagawa ng may pagmamahal tulad ng ipinapahiwatig ng slogan ng LGU na “TLC” na ang ibig sabihin ay Transformative, Lively, at Caring na Probinsyudad.
“Nandito po ang mga tao sa harap niyo na ang hugot ng pagmamahal sa inyo ay hindi lamang galing sa tao dahil hindi ito ordinaryo. Ang hugot ay mula sa pagmamahal sa Diyos. Ang Diyos po ay hindi nagbibigay ng pagmamahal na kulang. God gives us the best of His love. Ito rin po ang hugot ng mga taga-Taguig,” wika niya.
Upang higit pang hikayatin ang displaced workers na magiging beneficiaries ng TUPAD, hinimok sila ni Cayetano na patuloy na mangarap at hanapin ang kanilang layunin sa buhay.
“I just want to encourage you na bawat isa sa inyo ay may purpose. You are not a mistake. Ayaw po namin sa Taguig na may salimpusa. Hindi kayo salimpusa,” wika niya.
“Sino po sa inyo ang may pangarap ng negosyo, ng sari-sari store, o may pangarap?… Sino ba ang pinakamadaling tulungan ang tao? Hindi ba yung tinutulungan ang kanilang sarili? Ito po ay stop gap project. Hindi kayo bibigyan ngayon ng P50,000, sari-sari store, o negosyo, but minomonitor po namin ito” dagdag niya.
Sinabi din ni Cayetano ang mga residente na ang matatangap nila sa pamamagitan ng TUPAD program ay simula pa lamang ng tulong ng Taguig LGU para sa kanila.
“Hindi ito una at huling programa. Napakarami po naming programa dahil ang gusto po namin ay maging successful kayo,” aniya. ### (PR)