Season 2 of Young Farmers Challenge focuses on the marginal sector – Imee

La Trinidad, Benguet – (April 22, 2022) – Matapos ginanap ang Turn-over and Acceptance na pinangunahan ni Senator Imee R. Marcos na ipinagkaloob sa anim na beneficiaries ng Kadiwa ni Ani at Kita – Financial Grant Assistance Program ng DA-RFO-CAR.

Kasamang nag-assist sina Usec. for Consumer Affairs Kristine Evangelista at DA-CAR Regional Executive Director Cameron P. Odsey at Benguet Governor Melchor Diclas na ginanap sa Benguet Sports Complex, Wangal, La Trinidad noong April 22, 2022.

Sa isang ambushed interview kay Imee ay nabanggit nito ang mga solusyon kaugnay sa mga gulay na nabubulok na kung saan ay naglaan siya ng isang proyekto na nasa Season 2 na ang Young Farmers Challenge.

Ayon kay Imee, “Bundok-bundok na nabubulok na gulay na ngayon sinusolusyonan natin kasi sabi ko nga ImeeSolusyon e dapat panindigan so, ang solusyon natin ay bigyan yun ating mga cooperatives at farmers group at para sa mga maliliit ang LGU natin ng mga truck sasakyan para maibaba ang mga gulay sa Metro Manila kasi nabubulok lang dito sa Cordillera, sa Ilocos pagkatapos sa Manila gutom naman sila sa mga sariwang gulay so, dapat gawan natin ng paraan ito.

“May isa tayong proyekto ang Young Farmers Challenge because as you know ang average age ng mga magsasaka natin ay 57 years old tumatanda na yun mga farmers natin at ang ating kabataan ayaw pumunta sa bukid at magsaka kasi walang kinikita bagsak presyo ang crops natin so, yun mga kabataan natin pumupunta sa ibang lugar pero iba ang career, pero ang iba sa kanila interesado pa rin at dapat mag move on na tayo sa mga hi-tech farming, digital marketing, pagbebenta online at iba’t-ibang produkto katulad ng high value cash crops na kailangan kailangan and processing and value adding as well,”

“Season 2 na ang Young Farmers Challenge ngayon, ang nangyari noong 1st season marami tayo pinagbibigyan yun mga high-value crops and so on.. pero ngayon gusto kong diinin yun mga marginal sector, unang-una yun mga kababaihan kasi alam natin ang mga nanay ang nagpapakain ng pamilya, sorry na lang sa mga lalake pero kung minsan ang iba yun mga utang at yun mga loan at grant ay nauuwi sa tupada, sa inom sa kung saan-saan, pero sa nanay diretso yan sa hapag kainan, ikalawa gusto kong diinin yun katutubo ang mga IP’s kasi nakikita natin maliwanag na dito sa season 2 ng Young Farmers Challenge among the poorest in our country are indigenous people so, I will give preference to any indigenous people applicant for the Young Farmers Challenge.

“May nakalaan na pondo ito you can ask Usec. Evangelista, she is very well versed, we have a Kadiwa fund and we also have Young Farmers Challenge funds to bring back the youth to farming to agriculture to high-value new agriculture, to processed products, value-added products, as well as new ways of marketing digitally and selling electronically,”

“Yun aking anak halimbawa sa Ilocos Norte nagbebenta ng Avocado galing Ilocos Norte lahat online pero sa Manila so, ito ang dapat natin simulan, kung anu-ano ang binibenta ng Gobernador ko kaya, I think pwede natin gawin yan we can open port as where we can share in selling all this item nobody needs to go to trading post here in Benguet they don’t need to go to Ilocos for lowlands vegetables instead we can join together and put up this platform show that we can sell to Metro Manila and other Urban center without much difficulty,”

Nagbigay rin ng pahayag si senadora kaugnay sa talamak na smuggling sa Benguet.

“Smuggling is really horrific situation at kinakailangan pigilan natin with all due respect tumutulong ang DA pero alam natin maraming mga importation permits na siyang ginagwang papel para mag smuggle, eto ang kailangan sugpuin sa lalong madaling panahon pati na yun entry kasi nag i-smuggle na nababangkarakote na yun ating mga local farmers nagkakasakit pa kasi alam natin yan ASF pumasok yan kung san galing yun sa Mangga pumasok rin kung san galing so, dapat yun first boarder intervention natin kumpleto sa BOC, DOH at DA.”pagtatapos ni Imee.  Mario D. Oclaman /FNS

Mario Oclaman