Search and Rescue Equipment presented by various Emergency Response Team
Baguio City – Tatlong magkakasabay na events program ang itinanghal sa Baguio Convention Center noong July 16, 2022 na kung saan ay ang pagdiriwang ng ika-4 na taon anibersaryo ng PTV-CAR’s isyu@serbisyo, ang National Disaster Resilience Month 2022 at ang Commemoration ng 1990 Killer Earthquake.
Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Baguio, Department of National Defense, Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council at ng PTV-CAR ay ipinakita ang iba’t-ibang high-tech Search and Rescue equipment ng mga Emergency Response Team na mula sa government line agency, pribadong grupo, organization rescue team at maging ang Philippine Army at Marine.
Ang Leader SEARCH ay isang life detection device na ginagamit sa panahon ng rescue operations pagkatapos ng mga sakuna, nakikita ng wireless o wired seismic sensor ang mga senyales ng buhay (vibration detection) sa ilalim ng mga durog na bato at pagkatapos ay hanapin ang mga biktima na sakto sa kinaroroonan nito.
Ang iba’t-ibang klase na drones din tulad ng Multi-Rotor Drones, Fixed-Wing Drones, Single-Rotor Drones at ang Fixed-Wing Hybrid VTOL na ito ay pwede sa photography at GPS.
First aid kits, Personal Protective Equipment, mga kasangkapan na magagamit para sa pagliligtas sa mga pasyente tulad ng lighting, multi-tool, crowbar, shovel, handsaw, hammer and nails, battery drill/driver and box of screw, Lifejackets, Emergency Oxygen, throwline or rope, ring buoys at spineboard.
Ang mga naturang Search and Rescue equipment ng Emergency Response Team ay isang paghahanda para sa anumang biglaang sakuna na maaaring mangyari ngayon panahon ng tag-ulan. # Photo by: Mario Oclaman //FNS