Samu’t saring agam-agam ng mga vendor, sinagot ni Mayor Magalong
LUNGSOD NG BAGUIO – Inisa-isang sinagot ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga katanungan at agam-agam ng ilang Market vendor sa ginanap na pag-uusap kaugnay sa Market development na kung saan ay pilit pa rin ang kanilang pagtanggi sa SM Baguio na mamahala di umano sa Public Market.
Subalit pinabulaanan naman ito ni Magalong na walang katotohanan na ang SM ang mamamahala ng market dahil the market will be owned and manage by the city.
Sinabi ni Magalong na “nasa terms of negotiation pa lang tayo at 34 terms of negotiation ang ini negotiate ng city sa SM na pinangnunahan ni City Administrator Bonifacio dela Peña na kung saan ay aabutin ng mga 45 days ang negosasyon na pag-uusap para masiguro na well-protected ang lahat ng stakeholders, at ang stakeholders ay hindi lang mga vendors kundi the rest of the entire residence of the city of Baguio pagkatapos ay dito na gagawin ang terms of reference at sa kahilingan rin na dagdagan ang observer representative ng market ay papayagan natin yan,”
Samantala nakiusap si Magalong sa mga vendor na may mga puwesto na magsabi sila ng totoo para sa ikatlong imbentaryo na gagawin ay masiguro na maisama ang mga totoong may mga pwesto at magiging maayos ang pamamalakad sa public market. Maging ang 7 cooperative sa market ay mapapasama rin sa imbentaryo.
Isa sa pinangangambahan ng mga vendors ay ang competitive ng kanilang produkto na ibibenta kung sakaling may itatayong supermarket ang SM Baguio.
Nilinaw ni Magalong na ang Original Proponent Status (OPS) ay nakasaad sa batas na kung sino ang may pinakamagandang proposal ay siya ang mabibigyan ng OPS subalit, “ang OPS does not necessary translate into winning the bid to build a market development, walang katotohanan yan dahil dadaan pa ito sa process na selection pagkatapos ng OPS, kung naibigay na natin ito ay pag uusapan kung ano yun term of reference, kung ano ang napag-usapan pagkatapos ay magkakaroon ng negotiation, kung hindi successful ang negotiation ay magsusulat tayo kung ano ang mga term of reference at dito na natin ilalagay ang isang kahilingan, na dapat kung ano ang ibinenta nila, dapat hindi competitive sa produkto na ibinibenta niyo kung may supermarket man silang itatayo sa itaas at suriin pa natin kung ano pa ang mga dapat ilagay sa term of reference”
“Dito sa pagpili natin, it is base on credibility, it is base on reliability at ang importante rito ay sino talaga ang makakapagpatuloy ng project, ang pinaka ayaw natin ay naumpisahan ang project, dahil walang pera, kulang ang pera, nabitin ang project, anong mangyayari? Nakabinbin na ang project, it’s not all about putting up just simple a building, kaya sisiguruhin natin na mamimili tayo, kakayanin, tatapusin ang project at sisigurahin natin maayos ang project something that we can be proud of because we are going to audit and going to manage it,” ani Magalong
Kasama sa Market Development dialogue sina Market Superintendent Fernando Ragma Jr. at City Treasurer Alex Cabarrubias na ginanap sa Baguio Convention Center noong Marso 10, 2021. FNS/Mario Oclaman