Rights of Nature Camp ginanap para sa Susunod na Henerasyon
Santa Cruz, Marinduque – Mahigit sa 100 kabataan sa lalawigan ang sumali, sa pangangasiwa ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC), sa ika-12 Provincial Environmental Youth Camp noong Marso 1, Biyernes hanggang Marso 3, Linggo sa Matalaba Retreat House, Brgy. Matalaba, Santa Cruz. Naging matagumpay naman ang nasabing kampuhan sa tulong ng Diocesan Youth Commission ng Diocese of Boac at Philippine Misereor Partnership Inc (PMPI). Ang tema ng kampuhan ay “Rights of Nature for Future Generations.”
Nagsimula sa banal na misa ang kampuhan sa Karapatang Pangkalikasan sa pangunguna ni Fr. Kirk Irvin Romasanta. Pagkatapos ay nagtalakay si Prop. Panchito Labay tungkol sa heograpikal na pagsisimula ng isla ng Marinduque. Si Fr. Arvin Madla, executive director ng MACEC, naman ay nagpalawig ng kalikasan at sitwasyon sa pagmimina sa lalawigan. Nakibahagi din ang Obispo ng Diyosesis ng Boac, Bishop Marcelino Antonio Maralit tungkol sa mga encyclical ni Pope Francis para sa kalikasan “Laudate Deum.”
Ang pangalawang araw naman ay nagkaroon ng Our Rights Nature youth camper program: making waves, kung saan naglinis ng ang mga kalahok sa kampuhan at tinukoy kung anu-ano mga kumpanya galing ang basura. Kung kaya hinanap ng mga kalahok ang social responsibility at accountability ng mga natukoy na korporasyon.
Naging bahagi din 12th provincial environmental youth camp ang pagpapahalaga sa social media lalo na sa environmental protection sa pamamagitan ng interaktibong worksyap. Nagkaroon din ng pagkakataon ilabas ang pagiging malikhain ng mga kalahok sa Theater arts para ipahayag ang mensahe sa Inang Kalikasan.Ilan sa pahayag ng mga kalahok ay “Marinduque, Kung hindi tayo, Sino? Kung Hindi Ngayon, Kailan? No To Mining, Marinduque Mining Free zone at ayaw baya namin sa Mina.” (PR)