PULIS @ UR SERBIS CLEAN UP DRIVE IN KALINGA

PULIS @ UR SERBIS CLEAN UP DRIVE IN KALINGA

Sa lalawigan ng Kalinga, isang clean-up drive activity ang matagumpay na naisagawa ng mga kapulisan mula sa Regional Mobile Force Batallion 15.

Ayon sa 1503rd Maneuver Company ng RMFB 15, sila ay namulot ng mga basura sa Bulanao Creek at iba pang daluyan ng tubig sa Brgy. Bulanao sa Tabuk City upang maiwasan ang maaring pagbaha dulot ng mga nakakalat na basura.

Naging matagumpay ang nasabing aktibidad sa tulong ng mga civic and non-civic organizations, Bureau of Fire Protection-Tabuk City, PNP Special Action Force (SAF) at ng mga kawani ng Local Government Unit ng Kalinga.

Ang nasabing aktibidad ay bilang paghahanda sa paparating na bagyo na si Super Typhoon Mawar.(PROCOR-PIO /File photos)

PRESS RELEASE