PULIS @ UR SERBIS

PULIS @ UR SERBIS

Sa lalawigan ng Ifugao, isang magsasaka ang natulungan ng mga kapulisan mula sa Regional Mobile Force Batallion 15 (RMFB15).

Ayon sa 1501st Maneuver Company ng RMFB15, habang sila ay nagpapatrolya sa Mt. Polis, Viewpoint sa bayan ng Banaue, ay kanilang nadaanan ang isang magsasaka na nagbubuhat ng mga basket ng patatas.

Kaya naman nagmagandang loob ang mga kapulisan na tumulong di lamang sa pagbubuhat ng mga papatas kundi sa pagbubungkal ng mga natitira upang di mabasa ang mga pananim na magiging sanhi ng mabilis na pagkasira ng mga ito.

Matapos ang kalahating araw ng pagbubuhat ay naiakyat ng mga kapulisan ang mga pananim ng magsasaka sa kanyang bahay.

Labis naman ang pasasalamat ng magsasaka, dahil bukod sa pagpapanatili ng katahimikan sa kanilang kommunidad ay tumutulong din ang mga kapulisan sa iba’t ibang mga gawain tulad ng pagsasaka at construction kung kinakailangan. (PROCOR-PIO /File photos)

PRESS RELEASE