PULIS @ UR SERBIS

Sa lungsod ng Baguio, ang mga kapulisan ng Kennon Road Police Office (PS8) ay nagsagawa ng isang munting outreach activity sa isang Daycare Center sa Camp 8.
Gamit ang perang nalikom mula sa kanilang personal na ambagan, ang mga kapulisan ay namahagi ng meryenda at drawing materials sa 50 na kindergarten sa nasabing day care center.
Ang nasabing aktibidad ay ginawa bilang pakikibahagi sa 30th National Children’s Month na may temang: “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan.” (PROCOR-PIO / File photos)