Public market ng Block 3 & 4, natupok, umabot sa 1,700 stalls, at tinatayang P24-M ang naabo dahil sa nagngangalit na sunog
BAGUIO CITY – (March 12, 2023) Sa katahimikan ng gabi ng Sabado (March 11, 2023) hindi alintana ng lahat ang biglang pagkalat sa social media, makikita na abala na ang mga bumbero sa pag apula ng apoy sa public market partikular sa nakunan ng mga videos at litrato ay ang bahagi ng Block 3 at Block 4, mapapansin na ang paglaki ng apoy ay hindi agad naagapan, malapit lang ang Bureau of Fire Department ngunit hindi agad nakapag responde dahil galing pa sa Irisan sub-fire ang fire trucks na kung saan ay may naunang pagresponde na inapula rin na forest fire sa Camp 7.
Ayon kay Fire Marshall Supt. Marisol Odiver, “Ang sunog na sumiklab ay nag umpisa bandang alas-11 ng Sabado ng gabi, noong Marso 11, 2023, at nagsimula ito sa buong block 4 at sa bahagi ng Block 3 at Caldero Section. Idineklara ang fire out alas-4:38 ng umaga ngayong araw ng Linggo.
Tinataya na higit-kumulang sa P24-Milyon halaga ng ari-arian ang sinira at tinupok ng apoy.
Nang oras na yun ng sunog ay kusang tinungo ni mayor Benjamin Magalong ang pinangyarihan ng sunog at ng makita ito ay labis ang kanyang kalungkutan.
Ayon sa alkalde, “Kaninang madaling araw ang inisyal na report ay galing sa Block 3, pero base dun sa mga interviews na ginagawa ngayon ng mga imbestigador ay sa Block 4 extension nag umpisa ang pinangyarihan ng apoy so, hintayin muna natin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire, napag alaman rin at pasalamat tayo walang nasaktan sa sunog,”
“Nakikiramay rin ako sa mga kababayan natin mga vendors na naapektuhan, napakarami nito, ang bilang namin ay aabot sa 1,700 stalls kaya malaki talaga kung titignan mo mahigit one third ng buong palengke ang nasunog, yun buong Block 4 sunog na sunog yan tapos yun kalahati ng Block 3.
“Pinaplano na rin namin kung san itatayo ang relocation site, siguro temporary gagamit muna kami ng mga kalsada dito na dinadaanan para naman makapagbenta kaagad ng mga paninda nila, tapos itatayo kaagad namin yun mga temporary stalls nila para makapag back to normal yun ang importante so, tuloy-tuloy pa rin ngayon ang pagtutulungan namin kasama ang DSWD – CAR Regional Director Leo Quintilla para magbigay ng tulong sa mga biktima na naapektuhan ng sunog,”
“Sa patnubay ng tunay na bayanihan, ang ating mga lingkod-bayan, bumbero, pulis, at mga boluntaryo ay hindi nasusukat ang kanilang kakayahan sa pagtulong, itinaya ang kanilang buhay upang apulahin ang apoy. Mayroon ding iba pang mga gawa ng kabayanihan na walang pag-iimbot na ibinuhos upang tugunan ang kagipitan.
“Maging magalang sana tayo sa sensibilidad ng bawat isa, pag-iwas sa pagtitingi ng mga biro sa publiko at mga walang basehang komento na ang sunog ay sadyang ginawa para sa makasariling interes.
Ang antas ng reaksyon sa isang pampublikong trahedya ay walang layunin kundi maliitin ang kalagayang nararanasan ngayon ng mga biktima ng sunog. Binabalewala din nito ang pagsasakripisyo ng ating mga frontline responders sa pagkontrol ng apoy,”
“Hindi ito ang oras para sa malisyosong haka-haka, kahit na sinabi sa biro. Alalahanin natin ang pagkawala ng ekonomiya at ang pagkagambala ng mga trabaho at kabuhayan na lubhang nakaaapekto sa lahat ng kinauukulan,”
“Ang pamahalaang lungsod ay nakikipag-ugnayan sa mga relief at recovery measures na kasunod ng trahedyang ito. Ang Department of Social Welfare and Development Office at ang City Social Welfare and Development Office ay magbibigay ng agarang tulong sa lahat ng mga apektadong vendor (lalo na sa mga umuokupa sa Blocks 3 at 4) ngayong araw simula alas-10 ng umaga. Ang operations center ay matatagpuan sa Rillera Building,”
“Ang iba pang mga hakbang ay ginagawa para sa pagtugon ng lahat ng pamahalaan sa trahedyang ito. Gagawin nating mangyari ang lahat ng ito sa isang mahusay, napapanahon, at epektibong paraan. Ito ay tinitiyak namin sa iyo ng sukdulan,” pagtatapos ni Mayor Magalong. ### Photo courtesy of RAB-Volunteers