PTV Cordillera pinag ibayo lalo ang CSR sa pamamagitan ng isinagawang tree planting

PTV Cordillera pinag ibayo lalo ang CSR sa pamamagitan ng isinagawang tree planting

BAGUIO CITY – (November 22, 2022) Matagumpay ang isinagawa ng PTV Network sa kanilangTree Planting activities at paglilinis sa compound mismo ng PTV Cordillera, Romulo Drive, Lualhati Barangay kaninang ala siete ng umaga pinangunahan ito ni Station Manager Richard Valdez at kasama ang lahat ng staff ng PTV Cordillera, hinggil ito na mapanatili ang adbokasiya ng Peoples Television Network Incorporated  Corporate Social Responsibility ng Green Spaces Project, “Para sa Kalikasan, Para sa Bayan,” at bilang bahagi rin sa pagdiriwang ng National Environmental of Awareness Month, Climate Change Consciousness Week at Philippine Clean Air Month.

Dinaluhan ito ng ilang kasamahang mamahayag ng Baguio,  ilang ahensiya ng gobyerno mula sa Bureau of Plant Industry, Department of Environment and Natural Resources na namahagi ng mga seedlings at pribadong grupo tulad ng Rotary Club Baguio Highlands na pinangunahan ni President Anna Liza Chan na isang misyon rin nila anya ang makisama sa mga gawaing pang public service kasama ng ilang Rotarians na kung saan ay nagkaisa at nagtulong-tulong na nagtanim ng iba’t-ibang punong kahoy, Arabica coffee seedlings, ornamental plants at mga bamboo trees upang makamit ang isang malinis at malusog na kapaligiran.

Kaugnay rin ito sa pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang SONA noong Hulyo 25, 2022, kung saan binigyang-diin niya na

“the preservation of the environment is the preservation of life such that failure to mitigate climate change all the plants for the economy and future will be naught” at bilang pagtupad na rin sa corporate social responsibility ng Network.

Nagbigay naman ng suporta sa mensahe ng isang mamamahayag  ng Net 25 na si Freddie Rulloda na hikayatin ang bawat indibidwal at grupo na magsagawa ng ganitong pagtatanim upang  maisaalang ala natin lalo na maprotektahan ang ating kapaligiran anya.

Ipinaliwanag naman ni Chita Hidalgo, Forester- ERDB na pwede pa mapalawak ang area ng PTV compound at maging source pa ito ng planting stock.  # Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman