PROCOR magtalaga ng 1,120 pulis para matiyak ang ligtas na pag-obserba ng Semana Santa

BAGUIO CITY – (Marso 31, 2023) Sa ginanap na Command Conference sa Kapanalig Hall, Baguio City Police Office ay pinulong ni PROCOR Regional Director PBGEN DAVID K. PEREDO JR. ang lahat ng Station Commanders at Chief of Operating Units.
Isa sa tinalakay sa pagpupulong ay ang preperasyon para sa nalalapit na Holy Week.
Sa panayam kay PROCOR RD PEREDO JR. “Alam naman natin na ang Baguio ay pasyalan ng mga bisita at itong mahabang bakasyon ng Holy Week ay dadagsain tayo ng turista kaya nais natin masiguro na maging maayos yun trapik.
“Nasa kabuuang 1,120 pulis ang ipapakalat natin upang matiyak ang mapayapang pagdiriwang ng Semana Santa, ipapakalat natin ating kapulisan sa mga pangunahing lansangan at mga hub ng transportasyon dahil ang mga pasahero ay inaasahang dadagsa sa iba’t ibang mga terminal ng bus para umuwi sa kani-kanilang probinsya sa mga susunod na araw.
“Gayundin, ang mga opisyal ng pulisya ay madiskarteng ide-deploy upang madagdagan ang presensya ng pulisya sa mga mall, parke, palengke, at sa mga lugar kung saan gaganapin ang mga aktibidad ng relihiyon upang matiyak ang kaayusan.
“Pangalawa ay yun mga other crimes na nangyayari itong theft at physical injuries, pairalin natin ang peace and order para mabawasan natin ang mga crimes at if possible wala sana,”
Samantala, Inatasan ni PBGEN PEREDO Jr. ang City Director ng Baguio CPO at lahat ng Provincial Directors mula sa iba’t ibang unit ng PROCOR na gumawa ng kinakailangang koordinasyon sa kani-kanilang Local Government Units sa pagbibigay ng traffic management assistance, lalo na sa Lungsod ng Baguio at Lalawigan ng Benguet.
Bago ang kanyang anunsyo, sinabi ni PBGEN PEREDO JR. nagsagawa ng pagpupulong sa iba pang pangunahing opisyal ng PROCOR upang maglatag ng mga plano sa seguridad at magsagawa ng koordinasyon sa iba pang kinauukulang ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Bukod sa mga pulis, ipapakalat din ang 422 tropa mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), at mga boluntaryo para tumulong sa pagtiyak ng kapayapaan at kaayusan sa darating na long weekend.
Ang paparating na long weekend holidays ang obserbasyon ng Huwebes Santo ay sa Abril 6; Biyernes Santo sa Abril 7; Black Saturday sa Abril 8 at sa ilalim ng Proclamation No. 90, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang Araw ng Kagitingan ay sa Abril 10, 2023. # Mario Oclaman //FNS