PRO CORDILLERA, pinangunahan ang Multi-Sectoral Peace Assembly para sa BSKE 2023
Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – (October 16, 2023) Pinangunahan ng Police Regional Office – Cordillera (PRO-Cor) ang pagsasagawa ng Multi-Sectoral Peace Asssembly para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE 2023) na nakatakdang ganapin sa October 30, 2023 matapos ang Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa Camp Major Bado Dangwa, Masigasig Grandstand, La Trinidad, Benguet.
Naunang tinanggap ni PCOL. JULIO S. LIZARDO – Punong Kawani ng Rehiyon at nabigyan ng tradisyonal na welcome dance at binigyan ng parangal sa foyer ang panauhing pandangal at tagapagsalita na si Atty. Julius D. Torres – Regional Election Director ng Commission on Election (COMELEC – CAR)
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Direktor Torres ang kanyang pasasalamat sa integridad ng mga kalalakihan at kababaihan ng PRO Cordillera, na makakatulong sa pagsasagawa ng mapayapang BSKE 2023 sa rehiyon. Pinaalalahanan din niya ang lahat na huwag kalimutan ang tunay na makabuluhang partisipasyon sa darating na halalan: upang gumana sa patas at pantay na paraan.
“Ang ating pagtitipon dito ngayon ay napapanahon at kailangan. “Napapanahon” sapagkat tayo ay humihingi ng banal na biyaya; kinakailangan, sa diwa na lahat sa atin ay kailangang paalalahanan na ang halalan ay hindi dapat umabot sa pandaraya o karahasan dahil ito ang pinakamataas na pagpapakita ng demokrasya,”
“Tayo ay nagtitipon dito, dahil binibigyan natin ng abiso ang lahat na pinahahalagahan natin ang BSKE at naniniwala tayo na ang papalapit na pampulitikang eleksiyon na ito ay mahalaga para sa ating lahat dahil gagawin natin ang lahat ng ating pagsisikap na gawin itong tapat, maayos, mapayapa, at kapani-paniwala.
“Kaya, magkaisa tayo para sa karaniwang layunin na ito, dahil lahat naman tayo ay mga lingkod-bayan,” Pagtatapos ni Atty. Torres.
Gayundin, pinangunahan ni PLTCOL GERALDINE AYDOC, Deputy Chief ng Regional Personnel and Records Management Division, ang pagbigkas ng Statement of Commitment to promote a Safe, Accurate, Free, and Fair (S.A.F.E) BSKE 2023.
Bilang highlight ng seremonya, pinangunahan ni COMELEC -CAR Dir. Torres kasama ang Regional Director ng NAPOLCOM-CAR, Ms. Editha S Puddoc; ang Regional Director ng DILG-CAR, Ms. Araceli San Jose; kinatawan mula sa DepEd-CAR, G. Maksim Botillas, mga kinatawan ng iba’t ibang grupo ng relihiyon, PRO Cordillera Command group, PNP Key Officers at ilang local media na lumagda sa pledge of commitment, na sinundan ng pagpapakawala ng mga kalapati, na sumisimbolo sa kalayaan at demokrasya para sa mapayapa at maayos na halalan. Kuha ni: Mario Oclaman //FNS