PRO COR ipinagdiwang ang ika-122 POLICE SERVICE ANNIVERSARY na pinangunahan ng PNP TOP COP
Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Pinangunahan ng Philippine National Police Top COP ang paggunita ng ika-122 Police Service Anniversary na ginanap sa Masigasig Grandstand, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet noong ika-19 ng Oktubre 2023.
Dinaluhan ng presensya ng Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na si PGEN BENJAMIN CASUGA ACORDA JR. bilang Panauhing pandangal at Tagapagsalita.
Mainit na sinalubong ni PRO Cordillera Regional Director PBGEN DAVID K. PEREDO JR. at tinanggap ang karangalan sa pamamagitan ng pagsayaw ng tradisyonal na sayaw ng Cordillera sa pagdating ng panauhing pandangal na si C,PNP ARCODA JR.
Sa Officers Reception Line ay magalang na ipinakilala ni RD PEREDO JR. kay C,PNP ARCODA JR. ang mga opisyal ng Police Regional Office ng Cordillera.
Sinaksihan rin ng kagalang-galang na Hepe ang isinagawang Divination Ritual na kung saan ay ang pagbasa ng hula ng Mambonong at sa pamamagitan ng taimtim na panalangin ay naghahatid ito ng kasaganahan, kaunlaran at mabuting kalusugan ipinapakita rin na ang magandang kapalaran sa isang namumuno sa kapulisan ay kapayapaan at proteksiyon sa mamamayan ang tanging layunin nito.
Sa mensahe ni PGEN ACORDA JR. ay nauna nito pinuri ang pagsisikap at dedikasyon ng PRO Cordillera sa Five-Focused Agenda ng PNP.
“Pinupuri ko ang mga natatanging tagumpay at kapansin-pansing mga programang ipinatupad ng ating mga masisipag na unit commander dito sa rehiyon ng Cordillera sa pamumuno ni PBGEN DAVID K PEREDO, JR. Nais kong pasalamatan ang bawat isa sa inyo nang buong puso. Ang inyong mga sakripisyo, oras, pagnanasa, at puso ay hindi lamang nagpahusay sa kaligtasan ng rehiyon kundi pati na rin ang esensya ng serbisyo publiko,” ani PGEN ACORDA JR.
Ipinaabot din ng C, PNP ang kanyang pagbati sa mga awardees sa kanilang natatanging pagganap sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang mga pulis.
Pinangunahan ni PGEN ACORDA JR. at ni PBGEN PEREDO JR. and paggawad ng parangal sa (9) Individual Awardees, (5) Unit Awardees at sa (10) Special Awardees bilang pagkilala sa mga nagawang kapansin-pansin at namumukod-tanging mga kontribusyon sa iba’t-ibang kategorya, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa komunidad at pag-iwas sa krimen. Kuha ni: Mario Oclaman //FNS