Pormal na nilagdaan ng City at BCBC ang MOA para sa Adopt-A-Park Program

Pormal na nilagdaan ng City at BCBC ang MOA para sa Adopt-A-Park Program

Sabay na pinirmahan nina Mayor Benjamin B. Magalong, City Environment and Parks Management Office Assistant CEPM Officer Engr. Marivic Empizo, at ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club (BCBC) President Thomas F. Picaña, Business Manager Rizaldy Comanda ang memorandum of agreement na sinaksihan nina BCBC past president Malen Catajan, Migs Velarde Jr., at Joseph Cabanas na kung saan pormal na pinagtibay ng media organization ang picnic grove ng Burnham Park na kilalang ginagamit tuwing panahon ng Holy Week kasabay ng aktibidad na Lucky Summer Visitor na siyang programa ng BCBC.

Ang naturang MOA matapos mapa notaryo para sa pormalisasyon nito kaugnay sa interes ng BCBC para kumupkop ng nasa 700 square meters na bahagi sa Picnic Grove ng Burnham Park.

Nagpahayag si Picaña ng pasasalamat kay Mayor Magalong sa suporta ng city na mabigyan na ng  katuparan ang matagal na nilang inaasam na maging lehitimo na magamit ang naturang media Camp at upang masustina na rin ang pagpapaganda nito.

“Ngayon ay maaari na tayong magsimulang magtrabaho para sa posibleng pagpopondo ng pag upgrade ng camp, mangangailangan tayo ng halagang P500,000 para sa pag-upgrade na kailangan ang landscaping, lighting at karagdagang mga concrete na upuan at mesa,” sabi ni Picaña

Binigyan ng pansin ni Mayor Magalong ang sulat ng BCBC na nagsasaad para sa pag ampon ng naturang media camp at naisunod ang mapangalanang Camp Peppot bilang parangal sa yumaong Jose Nicolas Ilagan na beteranong mamamahayag ng BCBC.

Sinabi ni Magalong na tiyak na tutulong ang lungsod sa pagpopondo na ma-upgrade ang camp dahil anya na kasama ito sa general improvements ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA)

Ito ay magiging bahagi ng PhP700 milyon na inilaan ng TIEZA upang mapabuti ang centerpiece park ng lungsod ngunit ito ang magiging huling yugto ng planong pagpapaunlad na binuo ng ahensya, dagdag ni Magalong

Ang nilalaman ng MOA ay nakasaad na ang mga pumirma ay magsisilbing “boluntaryo” na nangangako na susuportahan ang lungsod na mapabuti ang sistema ng pag-iilaw ng parke at ang kalinisan protektahan ang kalikasan sa pamamagitan ng paglahok sa Adopt-A-Park Program sa Picnic Grove.

Ang nasabing programa “ay isang konsepto na nagbibigay ng mga pagkakataon para sa iba pang pamahalaan at non-government entity na lumahok sa mga aktibidad sa pagpapaunlad para sa mga parke ng lungsod, hangga’t ang mga tuntunin at kundisyon na itinakda sa kasunduan ay mahigpit na sinusunod,”

Kikilalanin ng MOA ang pagsasagawa ng BCBC ng taunang paghahanap at iba pang mga aktibidad at dapat kumilos bilang katuwang sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng lugar.

Ngunit gagawin ng BCBC, gaya ng itinatadhana ng MOA: “Hindi ilalagay o ilalayo ang alinmang bahagi ng Parke ngunit upang matiyak ang pangangalaga at pagiging madaling mapuntahan sa publiko.”

Sa bahagi nito, ang pamahalaang lungsod ay dapat “gamitin lamang ang mga karapatan at kapangyarihan upang suriin at aprubahan ang anumang mga programa at/o proyekto na isinagawa ng boluntaryo sa pamamagitan ng CEPMO bago ang pagpapatupad nito;…”

Ito rin ay “susubaybayan ang pagsasagawa ng lahat ng mga programa, proyekto at/o aktibidad sa loob ng lugar;…” at “siguraduhin ang reserbasyon at/o pag-iingat ng lahat ng pasilidad ng parke;…”

Ang MOA ay nagkabisa kaagad pagkatapos nitong pirmahan at “mananatiling may bisa sa loob ng isang (1) taon kasunod ng mga nabanggit na tuntunin at kundisyon.”  Mga litratong kuha ni Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman