PNP GOOD DEEDS SA BAGUIO

PNP GOOD DEEDS SA BAGUIO

Nitong mga nakaraang araw ay muling pinakita ng mga kapulisan ng Baguio City Police Office ang kanilang pagiging likas na matulungin.

Sa BCPO Abanao Police Station (PS7) isang batang lalaki na naliligaw ang pansamantalang kinupkop ng mga kapulisan sa kanilang police station.

Habang hinihintay ang kanyang nanay ay pinaliguan ng mga pulis at binihisan ito ng bagong damit.

Inalok rin nila ang bata na manood ng palabas na pambata habang nagmemeryenda upang hindi ito mabagot. Makalipas ang ilang oras ay dumating ang kanyang ina at maayos na naibalik ang bata sa kanya.

Samantala, sa BCPO Camdas Police Station (PS2) naman, isang driver ang kanilang tinulungan matapos masira at tumirik ang minamaneho nitong jeep sa kalsada.

Upang hindi makaabala sa daloy ng trapiko ay agad nilang pinagtulungan na itulak ang jeep papunta sa gilid ng kalsada.

Sa BCPO Naguillan Road Police Station (PS1) naman, isang rider ang nilapatan ng first aid ng mga kapulisan matapos itong magtamo ng galos dahil sa isang aksidente.

Ayon sa BCPO Naguillan Road Police Station (PS1), ang lalaki ay nakasakay sa isang motor patungong Asin Road nang siya ay mahagip ng kasunod nitong motor na naging sanhi ng kanyang pagkakatumba at nagdulot ng galos sa kayang braso.

Agad naman na rinespondehan ng BCPO Naguillan Road Police Station (PS1) ang nasabing biktima upang malapatan ng paunang lunas. (PROCOR-PIO)

PRESS RELEASE