“Pinag-iisipan namin na magsampa ng kaso laban sa kanila, sobra na ang kasinungalingan nila” – Magalong
Baguio City – (January 16, 2023) Sinagot ni Mayor Benjamin B. Magalong ang mga walang batayan at walang basehan na mga tirada na nag-uugnay sa kanya sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA), na kung saan ay ikinagulat niya ang isyung ito.
Ikinadismaya ni Mayor Magalong ito sa mangangaral na si Pastor Apollo Quiboloy, dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Marie Badoy-Pertosa, at isang Jeffrey “Ka Eric” Celiz na nagpakilalang dating rebeldeng komunista. para sa diumano’y pagsira sa reputasyon ng alkalde ng lungsod ng Baguio.
Matapos ang Monday Flag raising ceremony (January 16) ay muling nakapanayam ng media si Magalong upang makuhaan muli ng pahayag kaugnay sa kontrobersyal na isyu.
Sinabi ni Magalong, “Unang una, nakakalungkot kung san sila nanggagaling, hindi ko alam kung ano itong mga sinasabi nila at ipinaparatang sa akin, alam mo pag nakipaglaban ka for so many years dini-dedicate mo yun buhay mo to fight the communist hindi mo basta-basta tatalikuran yun tungkulin mo, talagang dedicated ka diyan, just the simply turn around and then abandon your post, I was continue to make a strong stand against the CPP-NPA very dedicated tayo sa ganyan, we continue to support yun atin ELCAC program.
“Kaya nakakalungkot bigla na lang ako inaakusahan ng ganyan, palibhasa siguro hindi naman sila nakipag giyera, hindi naman nila naranasan masugatan, maghirap sa bundok, anyway sa akin lang naman may nagsisinungaling pero siguradong hindi ako nagsisinungaling,”
“Nakipaglaban ako kasama ko ang mga tao ko, I was leading my man up front fighting the CPP-NPA, yun mga communist guerillas, communist terrorist groups na yan, at kung titingnan mo wala tayong ginawang masama, dito sa siyudad ng Baguio wala tayong ginawang masama din when I was in the PNP at malalaman rin yan, lalabas rin yan kung mayron ka talagang kinikilingan, meron kang ginagawang mali, lalabas yan, sila lang naman nag aakusa sa akin, tingnan mo yun Armed Forces of the Philippines very supportive sa akin ganun rin ang Philippine National Police at yun ating Peace and Order council they are very supportive, kaya nagtataka nga kami san sila nanggagaling, no less than the Secretary of National Defense si Former Secretary Lorenzana very supportive rin sa akin.
“We are thinking of filing a case against them sobra sobra na rin ang kasinungalingan nila, yan pa naman ang ayaw na ayaw ko yun nagsisinungaling,”
“At the end of the day, majority of our population are very supportive It’s all about establishing that foundation of the governance, establishing that foundation of credibility, kaya maski ano pa ang gawin nila malalaman niyo naman kung ano ang suporta ng tao, it’s all about the truth yun katotohanan lang, importante hindi tayo nagsisinungaling, pagtatapos ni Mayor Magalong. //FNS