Pilgrim Relic ni St. Therese of Liseux, ibinaba sa TOG2 bago dinala sa Kalinga
SANTIAGO CITY – Malugod na binuhat ng mga kasapi ng Tactical Operations Group 2 ang pilgrim relic ni St. Therese of Liseux mula sa sasakyang panghimpapawid na NC-212i Nr 2120 ng Philippine Air Force, mula sa Col. Jesus Villamor Air Base, Pasay City noong Enero 3, 2023.
Kasama sa mga nagbigay ng respeto at paggalang sa nasabing relic si Rev. Fr. Vincent Giovanni Wacas ng St. William’s Cathedral ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga kung saan ito dadalhin.
Si St. Therese of the Child Jesus o the Little Flower, ay isang madre at may original na pangalan na Marie-Françoise-Thérèse Martin. Ipinanganak siya noong Jan. 2, 1873 sa Alençon, France at namatay noong Sept. 30, 1897 sa Lisieux. Siya ay itinanghal na santo noong May 17, 1925. Ipinagdiriwang ang feast day nito tuwing Oct. 1. Itinuturing siya ni Pope John Paul II bilang doktor ng simbahan noong 1997. Siya ang patron saint ng mga missions at florist. #