Peaceful and orderly first day of classes in Baguio City High
Baguio City – (August 22, 2022) – Unang araw ng pasok ng mga estudyante ay masusubukan na ang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan.
Ang pangunahing pampublikong paaralan ang sinubaybayan namin pinuntahan para alamin ang sitwasyon ng mga estudyante sa Baguio City High School mapapansin bago pumasok ang lahat sa eskwelahan ay kailangan muna at mandatory ang pag check ng temperature sa thermal scanner at siniguro na ang lahat ay wastong nakasuot ng face mask.
Mapapansin rin sa kapaligiran ng paaralan ang maaliwalas at malinis tingnan dahil na rin sa mga nagboluntaryong mga magulang at iba’t-ibang asosasyon ang nakipag-isa na tumulong sa Brigada Eskwela.
Nauna namin nakapanayam ang Secondary School Principal IV na si Brenda M. Cariño.
“Ang August 22 ay napaka significant na araw para sa ating Department of Education since ito ang unang araw ng pagbubukas ng school year 2022-2023 at lahat excited lalo na ang mga mag-aaral at mga learners natin kasi ito ang pagbabalik natin sa eskwelahan after 2 years na nasa pandemic tayo, sa paghahanda natin sa mga classroom ang learning environment talaga ang priority natin na ihanda para sa ating mga anak, ensuring rin na safe sila sa pagpasok sa classroom, maaliwalas may mga nakahanda rin hygiene materials para sa kanila at lalong-lalo na sa kanilang health na ito ang priority natin na pag-ingatan, may mga medical team rin tayo na nakahanda na anytime they go around the classroom at ang clinic natin ay nakahanda to cater for whatever needs ng mga mag-aaral natin, kasama rin ang pagplano ng learning modality na gagamitin natin dahil ito ay blended according sa prescription o advice pa rin ng ating DepEd Secretary na si Vice-President Sara, blended pa rin tayo hanggang November magkakaroon tayo ng full 100 percent face-to-face kaya ang mga anak natin divided sila into batch para may magre report lamang ng Monday, Tuesday and Friday at yun iba naman sa ibang araw,”
“Nasa 50 percent pa lang ang ating mag-aaral na nag face-to-face pero ang mga guro ay 100 percent na sila naka report ngayon,”
“In every classroom may 20 to 25 na students lang dahil sumusunod pa rin tayo sa protocols na iwasan ang pagsiksikan kaya may physical distancing pa rin tayo sa classroom.
“Ina-advise namin na kung maaari ang mga anak natin ay huwag na muna lumabas ng bahay, huwag na muna pumasok kung may mga nararamdaman sila na Lagnat, sipon at ubo yun mga sintomas ng Covid,”
“Ito ang ina advise namin sa FB Page pag dating nila sa school ini-ensure na sila ay healthy pa rin every now and then may thermal scanner tayo sa classroom para ma check ang temperature ng mga bata, may mga alcohol rin tayo in every classroom,”
“Ang total ng enrollees ng mga estudyante sa ngayon ay nasa 7,700 we are still expecting an old students to enroll today since ang mga old students natin sometimes hinihintay ang unang araw ng pasukan para mag confirm at ma-finalize ang kanilang enrolment,” ani Cariño
Mapapansin rin sa loob ng compound ng eskwelahan ay medyo tahimik at ang mga estudyante ay kalmado lang na nasa tabi.
Nakapanayam namin ang isang estudyante na Grade 7 na si Rogil Viel Clores anya, “Excited na excited ako pero kinakabahan at the same time kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa introduction pero masaya naman ako kasi mas marami ako matututunan dito sa paaralan kesa sa online,”
Ayon naman kay Bella Miolata na guardian ni Rogil, “grabe rin ang excited ko alas tres pa lang ng madaling araw gising na ko para magabayan itong apo ko, mula pa noong kinder ay ako na ang nag aasikaso sa apo ko, mas gusto ko ng ganitong face-to-face para mas maintindihan niya, at may mga kasama na classmate at para maiba naman yun environment ng apo ko, kailangan lang talaga ang pag-iingat pa rin namin para hindi mahawaan ng COVID, lagi kami may dalang alcohol at lagi rin kami naka facemask kapag lalabas,”
Matapos ang Flag Raising Ceremony ay ipinakilala ang mga teachers at may mga paalaala na inihayag ang principal.
Mapapansin rin na may mga kapulisan ang nakabantay sa gate upang sa seguridad at proteksiyon rin ng mga mag-aaral. # Mario Oclaman //FNS