PCOL RUEL D. TAGEL itinalaga bagong City Director ng Baguio City Police Office
LUNGSOD NG BAGUIO – Malugod na tinanggap ng Baguio City Police Office (BCPO) ang bagong hinirang na City Director na si PCOL RUEL DANGOS TAGEL, sa isang pormal na Turnover of Command Ceremony na ginanap sa RNJ Hotel sa Brgy. Quezon Hill, Baguio City noong Oktubre 8, 2024.
Ang seremonya ay pinangunahan ni PBGEN DAVID K PEREDO, JR, Regional Director ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region, at dinaluhan ni Baguio City Mayor Benjamin B. Magalong at ang Napino cops ng Baguio CPO.
Ang programa ay sinimulan sa maligayang pagbati ni PLTCOL SAMSON L. KIMAYONG – Deputy City Director for Administration.
Sinundan ng pagbasa ng mga order ng pagwawakas at pagtatalaga sa tungkulin ni PCOL JEFFERSON P. CARIAGA – Chief, Regional Personnel and Records Management Division.
Sa mensahe ni PCOL FRANCISCO B. BULWAYAN JR. ng pagbitiw sa kanyang tungkulin bilang City Director ay labis ang pasasalamat niya kay Mayor Magalong sa ibinigay nitong pagtitiwala para tugunan ang kanyang tungkulin at pangunahan na naging responsable sa 1,400 police force sa Lungsod.
Nagpasalamat rin sa kanyang mga tauhan ng Baguio CPO sa walang patid na suporta sa kanyang panunungkulan.
At binati niya rin ang incoming city director na si PCOL RUEL TAGEL na buong nananalig na magampanan ang tungkulin dahil sa naging taglay na karanasan nito sa kanyang mga tungkulin.
Buong puso naman tatanggapin ni PCOL BULWAYAN JR. ang naghihintay nitong tungkulin bilang Chief ng Regional Learning and Doctrine Development Division ng PRO-CAR.
Samantala, kinilala ni PCOL TAGEL ang mga hamon sa hinaharap at buong pusong tinanggap ang mga tungkulin at responsibilidad na ipinagkaloob sa kanya bilang bagong pinuno ng Baguio CPO. Dagdag pa rito, binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Napino Cops, gayundin sa Local Government Unit, sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa lungsod ng Baguio.
Bilang highlight ng event, ibinalik ni PCOL FRANCISCO B BULWAYAN, JR, ang outgoing City Director, ang command symbol, property book, at equipment inventory at portfolio ng Baguio CPO kay RD PBGEN PEREDO JR. at ibinigay naman ang mga ito kay PCOL TAGEL na bagong hinirang na City Director na nagpapahiwatig ng opisyal na paglipat ng pamunuan.
Nagpahayag ng mensahe si Mayor Magalong at inaasahan na magiging katuwang nito ang bagong hepe ng BCPO sa lahat ng antas ng pagiging responsableng pulis ay para lalong palaganapin ang peace and order, serve and protect the community.
Nagpahayag rin ng pasasalamat si Regional Director sa parehong mga opisyal at nagpaabot ng pampatibay-loob upang magbigay inspirasyon sa kanila na magpatuloy sa pagtupad sa kanilang mga solemne na responsibilidad.
“To both officers, I commend you for your unrelenting service to our country and your commitment to the core values of the PNP. The turnover of command is not just a change in leadership but a continuation of our mission to serve and protect,” pagtatapos ni RD PEREDO JR. (Mga larawang kuha ni: Mario Oclaman //FNS)