PBGEN DAVE PEREDO JR. pinangunahan ang ocular inspeksyon ng mga terminal ng bus sa Baguio.

PBGEN DAVE PEREDO JR. pinangunahan ang ocular inspeksyon ng mga terminal ng bus sa Baguio.

BAGUIO CITY – (October 31, 2024) Pinangunahan ni PRO-CAR Regional Director PBGEN DAVID K. PEREDO JR. ang isinagawang ocular inspection sa mga bus terminal ng Baguio.

Naunang binisita ang Slaughter Bus Terminal sa Magsaysay Avenue kasama sila BCPO City Director PCOL RUEL D. TAGEL at PLTCOL CAROLINA F. LACUATA –  Chief, Regional Public Information Office.

Sinundan ito sa Gov Pack bus terminal  at ang Victory Liner sa PNR.

Bilang bahagi na patuloy na pagsisikap na matiyak ang kaligtasan ng publiko sa mga ganitong pagbabakasyon kaugnay sa pinagdiriwang na UNDAS ang pagdalaw sa mga yumaong mahal sa buhay ay minabuti ng mga kapulisan ang pag inspeksiyon sa mga bus terminal para sa ligtas na paglalakbay.

Nakipag-ugnayan din ang mga opisyal ng PNP sa mga pasahero, driver, dispatcher, at iba pang kawani ng terminal, na tinutugunan ang anumang alalahanin at binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng magkakasama sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan.

Dagdag pa rito, nagsagawa ng maikling talakayan ang Regional Director sa pamamahala ng terminal, na nagpapahayag ng pasasalamat sa kanilang pakikipagtulungan sa pulisya upang pangalagaan ang kapakanan ng mga pasahero.

Sinimulan na rin ang kahandaan ng mga pulis na nakatalaga sa iba’t ibang Police Assistance Desks (PADs) para sa OPLAN KALULUWA na nagsimula noong October 31 hanggang November 2, 2024.

Sinuri din ni PBGEN PEREDO JR. ang mga protocol ng seguridad na ipatupad at tiniyak ang pagsunod ng publiko sa mga regulasyon sa trapiko.

Sa obserbasyon ni PBGEN PEREDO JR. sa kanilang pagsisiyasat ay naging maganda at matiwasay ang nakita nila sa mga bus terminal, disiplinado at pumipila ng maayos ang mga pasahero, maging ang mga van na papuntang Vizcaya ay siniguro na hindi overload at tiyakin na maayos ang mga maintenance ng sasakyan, ganun rin ang mga driver na maging maingat sa kanilang pagmamaneho.

Ayon naman kay Terminal Master ng Victory Liner na si Arnel Villanueva Gabaig, “Nakahanda ang Victory Liner sa mga ganitong scenario na pagdagsa ng pasahero, at mahigpit na pinaiiral rin ang inspeksyon ng mga bagahe at ang presensiya ng PDEA kasama nila ang Police Dog buong araw ay narito sila para inspekyunin ang mga bagahe bago ipasok sa compartment ng bus,”

Binisita rin ng kapulisan ang pampublikong sementeryo sa Naguilian Road sa kanilang patuloy na ocular inspection.  Mga litrato kuha ni Mario Oclaman // Filipino News Sentinel

Mario Oclaman