PBBM Jr. binisita ang CAMANAVA na apektakdo ng hagupit ng bagyong “Carina”

PBBM Jr. binisita ang CAMANAVA na apektakdo ng hagupit ng bagyong “Carina”

Nagsagawa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng ocular inspection ngayong Huwebes, July 25 sa Valenzuela, Navotas City at Malabon upang suriin ang mga pangangailangan dito at alamin ang karagdagang tulong para sa mga apektadong komunidad.

Bahagi ito ng pagbisita ni PBBM sa mga lugar na nakaranas ng pagbaha, kabilang na ang Metro Manila na kasalukuyang nasa state of calamity dahil sa hagupit ng Typhoon Carina.

Samantala, pinakiusapan ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang mga residente na huwag magtapon ng mga basura sa hindi awtorisadong tapunan dahil ito ang nagiging dahilan ng pagbara ng pump.

“Marami naman ang pumping station sa CAMANAVA area pero hindi naging kasing epektibo ang flood control dahil nabarahan ng basura ang mga pump, sa Navotas ay may 81, sa Valenzuela , I think they have 32. So, marami na yun pumping Station kaya lang nagkaproblema ng dahil sa nabarahan ng mga basura,”ani Marcos Jr.  

Ito ang apela ni PBBM Jr. sa publiko kasunod ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya dulot ng habagat at Bagyong “Carina” # (PR / Presidential Communications Office Photos)

PRESS RELEASE