Payout to scholarship through the initiative of Congressman Yap
Itogon, Benguet – (August 11, 2022)- Tumanggap ng ayuda ang 778 na estudyante (High school at College) sa pamamagitan ng inisyatiba ni Benguet Congressman Eric G. Yap na kung saan ay muling natuloy ang pamamahagi makalipas ang ilang buwan ng pagka-atrasado nito.
Sinabi ni Yap,”Humihingi ako ng pasensiya sa mga kailyan natin dito sa Itogon dahil sa overdue na ito pero nagpapasalamat ako kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, nagawan niya ng paraan at nagkaroon na ng pondo, hindi rin natin masisi ang National Government dahil noong pag upo ni Sec. Tulfo ubos ang pondo dahil nagamit ng ating national government dahil sa typhoon Odette umabot sa P5B ang naipamigay sa mga biktima ng typhoon Odette at ngayon ay nagawan ng paraan ni Secretary na malagyan ng pondo ang Benguet at tuloy-tuloy na ito may anim pa na munisipyo tayo pupuntahan kukunin ko lang ang mga detalye para mabuo na natin ang 13 municipal dito sa Benguet, pagkatapos nito ay may ibang mga programa naman tayo pagtutuunan ng pansin tulad ng mga disgrace na small-scale miners, yun mga pangangailangan ng mga farmers at mga transport drivers natin, at may mga pinasa na rin ako na bill para sa mga senior citizen na yun dating P500 na social pension ay naging P1,000 na pasado na at batas na ngayon,”
Labis naman ang pasasalamat ni Itogon Mayor Bernard Waclin kay Congressman Yap at sa DSWD-CAR anya, “Malaking tulong ito sa mga estudyante sa high school at kolehiyo na makabawas rin ng tustusin ng mga magulang, gamitin lang sa inyong mga pangangailangan sa pag-aaral, may mga naibibigay rin ang munisipyo para sa scholarship sa senior high lang at meron rin sa probinsiya, may naibibigay rin sa mga scholarship na para sa kolehiyo,”
“Pasalamat tayo kay Congressman dahil inilalapit niya sa atin sa mga munisipyo ang mga programa na makakatulong sa ating mga barangay kaya kung ano man ang mga programa pa na maibahagi sa atin ay labis-labis kami nagpapasalamat at makakaasa kayo congressman ang buong suporta namin sa inyong mga programa,”ani Waclin.
Pinangunahan ng DSWD-CAR officer at ng Congressional District staff ni Yap ang pamamahagi na ginanap sa Municipal Gym, Poblacion, Itogon, Benguet, Huwebes (August 11, 2022). Photos by: Mario Oclaman //FNS