Para sa Babae, ang MarSU may twi-SWS-t

Para sa Babae, ang MarSU may twi-SWS-t

Boac, Marinduque – Ang Marinduque State University (MarSU) College of Arts and Social Sciences (CASS) BS Social Work sampu ng mga miyembro ng Social Work Society ay patuloy sa pagdiriwang ng Social Work Month kasabay ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso.

Bilang pagpapatuloy ng CASS days noong Marso 5 hanggang 7, mayroon pang mga takdang gawain sa Marso 25 at 26 para sa 2025 Social Work Month Celebration may temang “Strengthening Intergenerational Solidarity for Enduring Wellbeing.”

Kabilang sa mga tampok na gawain sa unang araw, Marso 25 ay Social Work Students parade, pagbubukas ng programa, Social Work Quiz Bowl at Family Feud. Samantala, sa ikalawang araw, Marso 26 ay magkakaroon ng Team Building, Unity Lunch at Search for Mr and Ms Social Work 2025.

Ayon sa kanilang opisyal na social media channel, “Let’s spend the last days of March with a TWI-SWS-T! Inaanyayahan namin lahat ng mag-aaral ng Social Work Program na makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Manggagawang Panlipunan!”  Mabubuo ang CASS days sa unang linggo at SWS days sa huling linggo ng Marso. Kaya naman, “hamos na, Ka-Social Work, para sa atin ang mga araw na ito!”

Ang Marso din ang buwan ng kababaihan, mayroong serye ng pag-uusap at palitan ang mga mag-aaral ng Gender and Society tuwing Miyerkoles ng umaga tungkol sa Moryonan at Kalutang bilang pakikiisa din sa SWS days. # Randy T. Nobleza, Ph.D.

PRESS RELEASE