Papaano ba nagiging isang Muslim ang tao?
Islam is the Solution
Kapag ang isang tao ay sumamba na sa nag-iisang tegapaglikha na si Allah at iniwan na niya ang lahat ng uri ng pagtatambal, sya ay nagiging isang Muslim. Ito ang diwa ng PAGSUNOD, PAGPAPASAKOP o PAGTALIMA sa kalooban ng Diyos. At ito rin ang pinaka dalang mensahe ng lahat ng mga propeta at sugo ng Allah at siya ring dahilan kung bakit ang tao ay nilikha.
sinabi ng dakilang tega paglikha na si allah s.w.
وماخلقت الجن والانس الا ليعبدون
(Wama khalqtul jinna wal insa illa liya’bodoun)
At hindi ko nilikha ang ‘Jinn’ at ang tao, at sa pagkapadala ng lahat ng mga Sugo kundi sa napakataas na uri ng layunin, na ito ay sambahin lamang Ako nang bukod-tangi at wala nang iba pa.
[Sûrah Adh-Dhâriyât 51:56]
Ang mga Propeta at mga Sugo ay mga Muslim:
Naitanong mo na rin marahil sa isip mo minsan kung ano ba ang Relihiyon ng mga propetang pinadala ng Diyos?
Halimbawa nalang, si Propeta Abraham, si Moses ba ay mga kristiano?
Dahil sa hindi nila inabot si Kristo, panu mo silang tatawaging Kristiano?
Sinalaysay mismo ni allah s.w. sa qor’an
ما كان ابراهيم يهوديا ولانصرانيا ولكن كان حنيفا مسلما
وماكان من المشركين
( makana ibraheemo yahodiyyan wala nasraniyyan , walakin kana haneefan musliman wa makana minal mushrekeen)
“Si Abraham ay hindi Hudyo o Kristiano, bagkus isang matuwid na Muslim (sumusuko sa kalooban ng Allah).” (surah Al-Imran 3:67)
Kaya naman sa bibliya, wala kang mababasang talata ng kung saan sinasabing si Abraham, Moses at iba pang mga sugo o kanilang lahi na ang kanilang panununtunan o relihiyon ay Hudaismo, ni wala ka ring mababasa sa bibliya na ang relihiyon ay ng mga tagasunod ni Kristo ay Kristianismo. Sa katunayan, hindi niya pangalan ang Kristo, ni hindi rin Hesus. Ang pangalang Kristo ay hango sa salitang Griyego (Greek) na “Christos” na ang ibig sabihin ay PINAHIRAN (Anointed). Kaya ang Kristo ay saling sa Griyego batay sa Hebreo na “Messiah”. Ang pangalang “Hesus” naman ay isang salitang Latin ng pangalang Hebreo na Esau.
Tungkol naman sa kanyang relihiyon, katulad din ng mga nauna sa kanyang mga sugo at mga propeta, inanyayahan niya ang lahi ni Israel na isuko ang kanilang sarili sa kalooban ng Allah (ibig sabihin nito ay Islam), at siya ay nagbigay babala sa kanila na lumayo sa mga huwad na diyos na likhang-isip ng tao.
Kaya naman mababasa mo sa Bagong tipan ang turo ni Hesus sa kanyang mga tagasunod ang magdasal ng ganito:
“Sundin ang kalooban mo dito sa lupa gaya ng sa langit.”
Si Abraham ay sumunod at sumuko sa kalooban ng Allah!
Si Moses ay sumunod at sumuko sa kalooban ng Allah!
Si David ay sumunod at sumuko sa kalooban ng Allah!
Si Solomon ay sumunod at sumuko sa kalooban ng Allah!
Si Hesus ay sumunod at sumuko sa kalooban ng Allah!
Si Muhammad ay sumunod at sumuko sa kalooban ng Allah!
Ang sumusunod at sumusuko sa kalooban ng Allah ay Muslim!
Kanya naman lahat ng mga propeta ng Diyos ay mga Muslim!
Dahil ang pagsunod at pagsuko sa kalooban ng Allah ay pagiging Muslim!
Ang salitang Muslim ay terminong arabik na ang ibig sabihin ay ang pagsunod at pagsuko sa kalooban ng Allah.