Panawagan ng Ugat para sa ika-46 na Kumperensiya bukas na, Agosto 30 ang huling araw ng Pasahan

Panawagan ng Ugat para sa ika-46 na Kumperensiya bukas na, Agosto 30 ang huling araw ng Pasahan

Bukas na sa lahat ang panawagan ng Ugnayang Pang-Aghamtao (Ugat) Inc. hanggang Agosto 30, ngayong taon ay idaraos sa Central Luzon State University sa darating na Nobyembre 27-29 ngayong taon. Ang tema ng nasabing kumperensiya ay “Anthropology in a Divided Word: Promoting Diversity, Justice, and Inclusivity.”

Ang paanyaya ng Ugat ay para sa mga antropolohista, panlipunang siyentista, manggagawa sa pag-unlad, mananaliksik at mga iskolar para magsumite ng kani-kanilang mga indibidwal at pangkatang ambag sa nabanggit na tema. Ayon sa panawagan ng Ugat, “the multifaceted concept of divergence and its implications in our interactions with individuals, groups, and societies of diverse cultural, political, religious, economic, and social backgrounds. In the social sciences, divergence is understood as the boundaries and differences that separate people based on factors such as social class, ability, race, status, identity, citizenship, and nationality.”

Ang ilan sa mga paksa na maaaring ikunsidera: eleksiyon at mga proseso nito, anyo ng pamamahala, konsepto ng katarungan, katutubong konsepto at teorya, paglaban ng mga katutubo, isyu ng intersectionality, LGBTQIA++, isyu ng mga samahan at sektor ng lipunan, likas-kayang kauswagan, relihiyon, ontolohiya ng worldling/ word-making, populismo, hacktivisim at kaugnay nito mga termino, geopolitics, korupsiyon, green politics, social inclusion, cross-boundary issues, pagbabago sa klima, kahirapang urban at rural, kalusugan, human ecology/ical issues, iba-ibang anyo ng karahasan, digital citizenship, dambuhalang pagkakahati, maging artificial intelligence.

Ang CLSU na siyang host institution ng kumperensiya ng Ugat, batay sa prioridad nito sa pananaliksik ay umiinog sa mga sumusunod: renewable energy and technology, agricultural technology, fresh aquaculture, agricultural and environmental resources at climate change and environmental management. Habang ang Ugat ay kinikilalang samahan ng mga agham pantao at Anthropological Association of the Philippines na kabilang sa Philippine Social Science Council. (PR)

PRESS RELEASE