Palanan, isa nang Insurgency-free Municipality
PALANAN, Isabela– Sa pamamagitan ng Resolution No. 2024-19 na inilabas ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Palanan at sa re-affirmation na isinagawa ng security sector partikular ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA), idineklara ang Bayan ng Palanan bilang Insurgency-free Municipality and in a State of Stable Internal Peace and Security noong Abr. 11, sa AR Bernardo Gymnasium, Brgy. Dikabisagan West.
Ang nasabing aktibidad ay nagsilbing highlight sa isinagawang Serbisyo Caravan na dinaluhan ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa pangunguna ng NICA-R02 na pinamumunuan ni Plormelinda P. Olet, ang Panrehiyong Director.
Dinaluhan ni MGen. Audrey L. Pasia, komander ng 5th Infantry Division, Philippine Army (PA), BGen Eugene Mata, brigade commander ng 502nd Infantry Brigade, PA, at Lt. Col. Vladimir P Gracilla, battalion commander ng 95th Infantry Battalion ang nasabing aktibidad.
Samantala, nagpasalamat si Mayor Angelo A. Bernardo sa security sector sa kanilang serbisyo upang makamit ng bayan ang nasabing estado. Kanyang sinabi na siya ay naniniwalang ang pagkakaroon ng tunay na kapayapaan at katiwasayan sa isang bayan ay indikasyon ng pag-unlad sa lahat ng aspeto ng pamumuhay.
Pagkatapos ng deklarasyon ay pinangunahan ni Mayor Bernardo ang signing sa Pledge of Commitment board bilang tanda ng dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran. Sinundan ito ng mga miyembro ng AFP, PNP, NICA, mga Kapitan ng Barangay at empleyado ng Local Government Unit.
Matatandaan na noong taong 1972, sa bayan ng Palanan partikular sa Diguyo Point ibinaba ang libo-libong armas na pag-aari ng mga komunistang grupong NPA nguni’t nasawata ito ng mga miyembro ng AFP.
Sa Abr. 12 ay isasagawa din ang kaparehong aktibidad sa Bayan ng Maconacon at Divilacan.# Mae Barangan