Baguio Smart City Command Center, inihahanda na
(Karagdagang CCTV ikakabit sa Central Business District)
BAGUIO CITY – (May 19, 2021 ) – Matapos magsagawa ng pagpupulong ang regular management committee ng local officials na pinunganahan ni Mayor Benjamin Magalong at Engr. Philip Puzon, City Mayor’s Office chief of staff and management information technology division supervisor noong May 18, sa Baguio Convention Center.
Ay isinunod naman na pinulong ang ilang mamamahayag upang ipakita at ilahad ang nalalapit na pagbubukas ng isang makabago at pagsulong ng teknolohiya, ang Baguio Smart City Command Center na kung saan ay upang magbigay ng mas mabisa at mabisang serbisyo sa publiko, magsulong ng mabuting pamamahala at pagpapanatili at makakatulong malutas ang mga problema tulad ng transportasyon at kakayahang ma-access, kaayusan at kaligtasan ng publiko, kalusugan at kapaligiran.
Sinabi ni Puzon na ang role ng Baguio Smart City Council “they will plan and develop the roadmap our smart city’s initiative, but for now we don’t have any smart city roadmap, as soon as we involve the whole of society, academe, the city government hopefully mai map out na natin ang smart city concept, yun ibang countries ay 10 years ang forward thinking nila pero tayo ngayon pa lang magsisimula, so this is going to be a challenge and hopefully academe will response to our call for involvement within the city,”
“Inaasahan din ang pangkat na tiyakin ang pagsunod sa data privacy at iba pang kaugnay na mga batas, regulasyon at patakaran; pangasiwaan ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng Smart City System; tugunan ang mga isyu at hamon na nauugnay sa System; itaguyod at tiyakin ang koordinasyon at pagkakaisa sa mga stakeholder”
“Titiyakin ng Konseho na ang pagkamit ng mga layunin at ng Baguio Smart City ay naaayon sa misyon ng lungsod na lumikha ng isang napapanatili at nagbibigay-daan sa kapaligiran na magsusulong ng katatagan ng ekonomiya at masiguro ang pangkalahatang kagalingan ng ating mamamayan,”
“Inamin ni Puzon na ang P500 milyong pasilidad ay makukumpleto sa tatlong yugto na ang unang yugto ay naka-target na matapos ngayon Agosto, 2021.
“Kapag naipatakbo na itong Command Center ay hahawak muna ito sa sentralisadong operasyon ng pamahalaang lungsod tulad ng mga operasyon sa kapayapaan at kaayusan at pagtugon sa mga emerhensiyang medikal at reklamo, pagpapadala ng mga first responders at citizens up all of this things ay dito na sa command center magaganap yun,”
Ipinakita ni Puzon kung ano na ang nagawa ng Smart City for the past one year
“Sa Phase 1 ay kasama rito ang 42 mga CCTV, video analytics na may kasamang mga sensor na dito ay uunahin natin ang peace and order susunod ang traffic, vehicle counting, facial recognition, license plate recognition, Smart City App, Field Responder App, Environment – air quality sensors, GIS (Geographic Information System, IP PBX Telephony (business phone system) and a Cyber Security System.
Sa Phase 2, isasama ang sistema ng Smart City ang pag-iilaw para sa Baguio, iba pang mga system tulad environment system ng AOI at weather monitoring, seismic sensors, flood sensors, (public) sentiment analytics, erosion sensors and generator sets,”
At ang Phase 3 naman, “the system will integrate urban observation, 3D modelling, instant connect, next generation 911 (emergency system), mobile command center, smart agriculture and a sewerage treatment facility.”
“Ang Command Center Control room, na ito na ang magiging part of the activity kapag kumpleto na ang lahat ng facility, yun command system sa BCPO ay maa-absorb yun 17 na tao, dito ang deployment ng ilang BFP, PNP at CDRRMO. Ang War room naman ay para sa mga crisis committee na dito gaganapin na mapag-uusapan kaugnay sa mga problema, ang mini-conference room at ang Data Center naman ay compose ng mga routers, equipment connecting up everything from cameras, sensors, hyper converge new technology, precision aircon it will be delivering cold air into our servers,” ani Puzon
Ayon kay Magalong, “The Smart City system will now help the local government unit managed the smart governance, smart agriculture, smart environment, smart public safety, smart mobility transportation basically all the components, majority full pledge smart city will be feature this will be the very ambitious project, this is the Phase 1 meron pa na Phase 2 project at ready to install na rin ang initially 150 cameras at integrate ang mga existing cameras may madadagdagan pa once we build yun smart mobility transportation, there will be another command center na gagawin rin,”
“This Smart City Operation Center is a very ambitious project, unang una nagpapasalamat tayo kay Presidente dahil personally siya ang nag commit nitong P200 milyon para matapos lang itong buong Smart City Operation Center, nung nalaman ng Australian government we build the first single platform smart city system in the entire country through ADB nagbigay sila ng grants sa atin eto naman yun flood mitigation early warning and information system, so nag install na sila tapos na yun survey at mga sensors, and hopefully by August 2021 ay tapos na yun project at madali na lang natin ma-integrate,” pagtatapos ni Magalong. Mario Oclaman /FNS